Kabanata 26

12.6K 256 10
                                    

Kabanata 26
Pangarap

-----------

Magkahawak kamay kaming lumabas ni Harizel ng planetarium. Hindi parin ako maka get-over sa surpresa niyang dalhin ako doon, hanggang ngayon nga ay para bang nakikita ko parin ang mga maliliwanag na bituin.

"Balik na tayo?" tanong sa akin ni Harizel pagkasakay namin sa sasakyan niya at kinakabit ang kanya-kanya naming seatbelt.

No. Hindi kami pwedeng bumalik ng WAU dahil malalaman ni Harizel na hindi ako pumasok, 'tsaka last subject naman na namin yon kaya hindi ko na talaga kailangang bumalik ng school.

Umiling ako sa tanong niya. "Wag na. Tapusin nalang natin 'tong time na dapat sana na klase namin ngayon, 'tsaka last subject narin naman namin dapat by this time."

"Ganon ba, so where do you wanna go?"

Saglit akong napaisip at saka ngumiti sa kanya. "Maglakad-lakad nalang tayo sa luneta. It's a nice weather today, isn't it?" Napatingin pa ako sa bintana at saka ako humarap ulit sa kanya.

Ngumiti at tumango siya sa akin. "Let's go then."






Sa Luneta ay naupo kami ni Harizel sa bermuda grass, sa kaliwang bahagi ng rizal monument. Malawak rito at marami ring mga nakatambay, nagpapahinga, kumakain at kung anu-ano ang ginagawa. Mga estudyante mula sa mga eskwelahang malapit lang dito, mga pamilyang gusto lang mamasyal dahil sa magandang panahon, mga magkakasintahang nag di-date, mga turista at ibat-ibang klase ng tao.





"Nung bata ako, ganyan din yung saranggola ko. Palakihan pa kami ng mga kaibigan ko." Kwento ni Harizel habang pinanonood namin ang mga batang nagsasaranggola. Hindi lang basta diamond shaped yung saranggola nila, may ibat-ibang hugis yon.

"Marunong ka gumawa ng saranggola?" Tanong ko kay Harizel na nakatukod ang dalawang kamay sa damo habang ang mga paa naman niya ay tuwid at bahagyang nakabuka na nakalahad sa damuhan.

"Marunong, pero yung simpleng saranggola lang. Tingting lang yon e, tapos sinulid 'tsaka plastic tapos makakagawa ka na. Sarap tuloy maging bata ulit. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na balikan yung mga gusto kong balikan. Babalikan ko talaga yung pagkabata ko. Ikaw, gusto mo rin bang balikan ang pagkabata mo?"

Napayuko ako sa tanong niya. Inaalala ko ang mga masasayang sandali ng kabataan ko, kaya lang napakalimitado lang non. Wala halos akong matandaan na parte ng pagkabata ko na naging masaya ako ng sobra-sobra. Ngayon ko nga lang nararanasan ang tunay na saya ng buhay, ngayong nakilala ko si Harizel. Ang lalaking kasama ko ngayon.


"Kung may babalikan man ako. Hindi siguro yon yung pagkabata ko." nag-angat ako ng tingin sa kanya at nginitian siya.


Nangunot naman ang noo niya. "Kung ganon, ano ang gusto mong balikan?"


"Secret." Inalis ko ang tingin ko sa kanya at saka ko muling pinanood ang mga batang nagsasaranggola.


"Bakit secret?"


"Ewan ko. Siguro kasi ayokong malaman mo." tugon ko sa kanya habang pinupukol ko siya ng nang-aasar na ngiti.


"A ganon?" Umangat ang sulok ng labi niya at mabilis kong nabasa sa mga mata niya ang pilyong babala kaya agad akong tumakbo and then I felt his arms wrapped around my waist, umangat ang mga paa ko sa damuhan ng buhatin niya ako at inikot-ikot at saka ibinaba at sinimulang kilitiin sa tagiliran.


Napaupo ako sa upuan sa katatawa, hanggang sa mapahiga na ako. Hindi tumitigil si Harizel sa pangingiliti sa akin habang panay ang tawa niya.


Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon