Kabanata 46

14.8K 327 20
                                    

Kabanata 46
Mamasyal

----------
Inalis ko ang kamay ni Harizel na nasa baba ko at umatras ako sa kanya, habang sinasamaan ko siya ng tingin. My heart keeps beating really fast.

'I want you to be mine'

Paulit-ulit na nag e-echo sa pandinig ko iyon. Tila nagbubunyi pa nga ang damdamin ko sa salitang yon, pero wala akong mahanap na salitang tamang itugon sa kanya.  Hindi ko nga alam kung seryoso ba siya o pinagtitripan na naman niya ako.

"T-Tara na nga! Ang init e." Iyon nalang ang lumabas na salita sa akin kasabay ng paglakad ko palayo sa kanya.


Nagpunta kami ni Harizel sa driving range. Dito nakatambay ang karamihan sa mga golfers. Dito ka pwedeng magpractice ng magpractice hanggat gusto mo.

"Here." Inabutan ako ng isang golf club ni Harizel. Eto yung stick na pinapalo sa golf ball.

First. Itinuro sa akin ni Harizel kung paano ang tamang hawak sa club.

"You have to grip the club like this."

Inilagay ni Harizel sa tamang posisyon ang mga kamay ko.

"Wag masyadong mahigpit ang pagkakahawak na parang nanggigigil ka. Relax lang kasi kapag relax ka, hindi nangangatog ang mga kamay mo, kaya maganda ang magiging palo mo ng bola." Aniya. Panay naman ang tango ko lang sa kanya.

"Alright. Bend a little, tapos medyo layo mo yung mga paa mo."

Ginawa ko yung sinabi niya. "Like this?"

Nakapamaywang siyang tumango sa akin. Halatang marami siyang nalalaman dito. Ang alam ko lang kasi ay magaling siya sa basketball noong college days namin.

Pagkatapos ituro ni Harizel ang tamang paghawak ng club at pagtayo ng tama, pagpalo naman ang itinuro niya sa akin.

First try ko ay ang lakas-lakas pa ng pagkakaswing ko sa club. Tinanaw ko pa sa malayo ang bola, yun pala'y hindi ko naman natamaan. Pinagtawanan niya tuloy ako.

Nakakahiya dahil hindi lang siya ang nanonood sa akin. Naroon din si Mr. Galvanitez at may ilang golfers rin ang nakatingin sa akin. Ako lang kasi ang nasa driving range ngayon.

Sa pangalawang try ko ay hindi ko parin natamaan ang bola na mas lalong nagpatawa kay Harizel.

Napanguso ako at hinampas siya ng club dahil sa nakakaloko niyang pagtawa sa akin.

"Tawa ka ng tawa dyan! Sabi mo, ganito ang swing ng club?"

Lumapit sa akin si Harizel at tila nanigas ako ng pumwesto siya sa likod ko at ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa club.

"You need to measure the distance of the club to the ball. Tap it before you hit it."

Tila nanlambot ako sa presensya ni Harizel. Nakakakiliti ang hininga niyang tumatama sa leeg ko. Ang init na nga ng panahon ay mas lalo pang uminit ang pakiramdam ko. Tila ba nagbabaga ang katawan ni Harizel na nakadikit sa katawan ko ngayon na pansin ko ay ang dali-daling naaapektuhan sa presensya ni Harizel.

Iginaya niya ang kamay ko at itinapik sa bola ang club at saka muling inilayo dito.

"Now, swing it." Bulong niya sa akin na tila ba may kasamang halik iyon sa tenga ko, naramdaman ko kasi ang mainit at malambot niyang labi na dumidikit doon.

Damn it! Paano ako makakapag focus sa ginagawa ko kung dini-distract niya ako?

Inalis ni Harizel ang mga kamay niyang nakapatong sa mga kamay ko. Naramdaman ko rin ang paglayo niya sa akin hanggang sa makita kong nasa harap ko na siya at nakahalukipkip. Seryoso ang mga tingin niya sa akin.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon