Kabanata 31

13.2K 299 17
                                    

Kabanata 32
Birthday Eve

----------
"Johana, may package para sayo." ani yaya habang sumisimsim ako ng mainit na kape dito sa kitchen at prenteng nakaupo sa high stool chair.


Inilapag ko ang puti kong tasa sa kitchen counter at nagtatakang lumabas ng bahay.


Paglabas ko ng gate ay nakita ko ang isang lalaking may buhat na malaking kahon at sa ibabaw ng malaking kahon ay nakapatong pa ang ilang kahon may nakapatong pang ibat-ibang hugis ng kahon, puro puti ang kulay ng mga yon at sa tantya ko ay nasa limang kahon ang buhat ng lalaki pero hindi naman mukhang mabibigat ang laman ng mga yon.


"Para sa akin ang lahat ng yan?" nagtataka kong tanong dito.

"Oo hija, pangalan mo ang naka address na padadalhan ng mga yan." ani yaya Weng.

"Kayo po ba si Ms. Johana Marynette Samonte Custodial?" tanong naman sa akin ng lalaki.

Talagang buong pangalan ko ang nilagay ng nagpadala ng mga yan, huh?


"Ako nga."

"E di sa inyo nga pong lahat ito, ma'am."

Tinawag ni yaya ang isa naming security guard na si manong Eduardo at ibinigay naman dito ng lalaki ang mga package para sa akin.


"Pakilagay nalang po yan sa ibabaw ng coffee table sa living room, manong." utos ko rito na agad naman naglakad papasok ng bahay.

"Ma'am pakipirmahan nalang po ito." sabi naman sa akin ng lalaking nag deliver ng package ko. May inaabot siya sa aking isang pad ng maliit na papel.

"Kanino po ba galing yung package?" tanong ko rito habang pumipirma ako sa papel na inabot niya.

"Hindi ko po alam, ma'am. Baka po may nakalagay naman sa kahon." sagot nito.


Pagkatapos kong pumirma ay umalis narin agad ang deliver man.












"Kanino kaya galing ang package na yan? Baka naman regalo yan sayo, para sa birthday mo. Buksan mo na kaya at baka may sulat sa loob." ani yaya Weng habang pinagmamasdan naming dalawa ang mga kahon na ipinatong ni manong Eduardo sa coffee table dito sa living room.

"Baka naman may bomba 'to, yaya?" Nag-aalinlangan kong sabi.

Wala naman akong masamang nararamdaman sa mga kahong nasa harap ko, pero paano nga kaya kung may bombang laman ang mga kahong nasa harap ko?

"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, Johana. Malay mo regalo lang talaga sayo yan ng admirer mo?" nakita ko pa ang tila nambubuyong ngiti ni yaya.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Harizel. Wala naman akong ibang kaibigan bukod kay Kirsten, Hannah at Ericka. Hindi rin naman nila ako reregaluhan ng ganito karami. Kuripot kaya ang mga yon.


"Baka galing yan kay Harizel, Johana."

"Yan nga din ang nasa isip ko, yaya."

"Buksan mo na."

Bakas sa mukha ni yaya ang excitement kaya sinimulan ko ng buksan isa-isa ang mga kahon.

Binuksan ko muna yung dalawang kahon na parang lalagyan ng sapatos pa-oblong yung shape nito at ng buksan ko ay hindi nga ako nagkamali dahil sapatos nga talaga ang laman ng mga 'to. Dalawang high heels na ang isa ay pula at ang isa naman ay itim.

Binuksan ko naman yung dalawa pang kahon. Assorted ang laman ng mga yon, may lamang wrist watch, mamahaling accessories sa buhok, pabango, lotion at kung anu-ano pang personal hygiene product.


Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon