Kabanata 42

13.4K 282 27
                                    

Kabanata 42
Invited

----------
Napaungol ako ng maramdaman ko ang kaginhawahan sa paligid ko. Pikit mata akong nag-unat habang humihikab. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo pero hindi naman yon nakabawas sa tila maganda at bagong umaga na nararamdaman ko. Di pa man ako dumidilat ay naaaninag ko na ang sumisilip na sinag ng araw.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata. I guess that this will be a beautiful day. Nakakasilaw ang liwanag ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinusot ko ang mga mata ko at ng masanay na ako sa liwanag ay natuon ang pansin ko sa itim na kurtinang nakahawi sa glass wall na sa harapan ko. Naikunot ko ang noo ko at biglang mapaisip, kailan pa nagkaroon ng glass wall ang kwarto ko?

Nang tila nagising na pati ang diwa ko ay agad akong napabalikwas sa kinahihigaan ko at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. This isn't my room. Where am I?

Puti ang dingding ng kwartong kinaroroonan ko ngayon. Naghahalong navy blue at puti ang kulay na makikita sa kabuohan ng kwartong ito. May malaking poster ng isang sikat na international basketball player ang nakadikit sa pader, sa gilid ng pintuan.

Damn it! Nasaan ba ako? Kaninong kwarto 'to?

Mabilis kong tinignan ang sarili kong natatakpan ng navy blue na comforter. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong suot ko parin ang dress na isinuot ko kagabi. Mabuti nalang at walang kung anong nangyari. Thank you, lord at dinala niyo ako sa kamay ng isang mabuting tao.

Bumaba ako sa kama at hinanap ang purse ko na natagpuan ko naman sa isang armchair na nakaharap sa glass wall kung saan tanaw na tanaw ang mga building na katapat ng kwartong ito. Nakakalula sa taas ang kinaroroonan ko, para akong nasa isang penthouse.

Nagpasya na akong lumabas sa kwartong kinaroroonan ko dala ang pumps at purse ko. Kailangan ko ng makapagpasalamat at makapagpaalam sa kung sino mang nagdala sa akin dito.

Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang maliwanag at malawak na living room. Napakalinis dito at napapalibutan ng glass wall. So, is this really a penthouse?

May narinig akong sumisipol-sipol. Sinundan ko ang tunog ng sipol nito hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa kusina.

Halos malaglag ang panga ko ng tumambad sa akin ang isang lalaking nakatalikod. Kumalabog ang dibdib ko ng makilala ko ang likod niya. This time ay sure ako na ang taong nasa isip ko ang taong nakatalikod ngayon dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang infinity tattoo niya sa kanyang likuran. Gusto kong alisin ang tingin ko sa kanya pero hindi ko ma-control ang mga mata ko na pinapasadahan ang sexy'ng likod niya.

He was just wearing boxer. Nababasa ko pa nga ang nakalagay sa waistband nito. Calvin Klein.

Akmang ibubuka ko na ang bibig ko ng bigla itong humarap sa akin. Para akong naparalisado at pati ang panga ko ng makita kong nakasuot siya ng puting apron at may hawak na maliit na kawali. He has a bed hair na mas lalong nagpapasexy sa kanya, pati na ang kanyang seryosong mga tingin sa akin.

"Tamang-tama ang gising mo. Tapos ko ng lutuin ang breakfast natin." Ani Harizel. Nawala ang seryosong ekspresyon ng mukha niya ng matamis niya akong nginitian. Lumabas ang pares ng mga ngipin niyang mapuputi at pantay-pantay. Oh God! He look so damn good.

"Tara kain na tayo." aniya at naglakad dala-dala ang kawali na hawak niya.

"S-Salamat nalang, Harizel...pero kailangan ko ng umuwi. Salamat din pala sa pagpapatuloy mo sa'kin dito."

Nag-igting ng kanyang panga at nangunot ang kanyang noo. "I don't accept thank you. I want you to want you to have breakfast, with me. Wag mo naman sanang sayangin pati pagkain." Malamig na sabi niya habang nakatalikod siya sa akin at saka siya muling naglakad.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon