Kabanata 39

11.7K 262 38
                                    

Kabanata 39
Work out

-----------
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako kay Harizel na nakatingin din sa akin.

"H-Harizel." Tila nahirapan pa akong banggitin ang pangalan niya.

Nawala ang gulat na expresyon sa mukha niya at napalitan ito ng isang matamis na ngiti.

My God! Nakangiti siya sa akin? Am I dreaming? Talaga bang nasa harap ko siya at nakangiti ng ganyan? Is he really happy to see me?

"It's nice to see you again, Ms. Custodial." Aniya.

Magsasalita na sana ako ng may babaeng biglang lumapit sa kanya.

"Honey, bakit bigla kang nawala sa tabi ko?" anito na ipinulupot ang mga braso sa batok ni Harizel.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto ko, na ang babaeng lumapit sa kanya ay ang babaeng nakita kong kasama niya nun sa Venice Piazza. His wife.

Now I know that this isn't a dream.

"I'm sorry, Honey. Ang dami kasing tao." ani Harizel na ipinulupot naman ang mga braso niya sa baywang ng babaeng kasama niya, kasabay ng paghapit niya sa baywang nito at pagdiin ng katawan nito sa katawan niya ay parang piniga na naman ang puso ko.

And there it is. I'm watching them kissing again.

Hindi ko na naman kinaya ang mga nakikita ko kaya nagmamadali akong nagtungo sa bar counter. Naupo ako sa isa sa mga high stool chair doon at nag order ng rum sa bar tender.

"Make it three." Request ko pa rito habang nakatukod ang siko ko sa bar counter at sapo ko ang aking ulo.

Mabilis naman akong binigyan n bar tender ng tatlong shot glass na may lamang rum na inilagay niya sa tapat ko.

"Thanks." Hilaw ko itong nginitian at saka ko itinaas ang isang shot glass and then I drink it, bottoms-up!

"One martini, please."

Napalingon ako sa babaeng tumabi sa may left side ko. Lumingon din siya sa akin. Pinakatitigan ko siyang mabuti.

Bob cut ang buhok niya na bumagay sa kanya, itim na one shoulder dress ang suot niya at kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Do I know you?" Tanong niya.

Oh! I remember her. She's Hazel.

"Hazel? Oh, yes! It's really you!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Nasa mukha niya na hindi niya ako matandaan, siguro dahil never akong ipinakilala ni Harizel sa kanya bilang girlfriend niya o nililigawan noon, iyon kasi ang usapan namin noon. Kilala lang ako ni Hazel bilang tutor ni Harizel noon.

Isa ako sa mga sikreto ni Harizel na marahil hanggang ngayon sikreto parin at mananatiling sikreto niya habang buhay.

"Oh! Natatandaan na kita! Oh my God! Ikaw si Johana?"

Lihim akong natuwa ng maalala niya ako. Akala ko ay hindi na talaga niya ako maaalala.

"Here's your martini, miss." Sabay kaming napatingin ni Hazel sa nakangiting bartender na inabot ang isang baso ng martini kay Hazel. At muli ay pareho kaming nakangiti ng magkatinginan kaming muli.

"It's been a long time. Ang sabi ni kuya nagpunta ka raw ng ibang bansa, kailan ka pa nakauwi?"

Kahit papaano pala ay nababanggit ako ni Harizel sa kapatid niya.

"Two days ago."

"Talaga? I'm with my brother. Ikaw, sinong kasama mo? Don't tell me gumigimik ka mag-isa?"

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon