Kabanata 48

15.9K 304 8
                                    

Kabanata 48
Unexpected

Next chapter will be Harizel's POV

-----------

"Siya nga pala, Harizel. Hindi ka na bumalik kagabi. Hinintay ka namin tapos hindi ka pa nakasali sa golf game namin kanina dahil tanghali ka na nagising. Masyado mo yatang pinapagod si Ms. Custodial."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Reynosa. Tumawa pa nga ito na sinabayan din ng pagtawa ni Harizel habang prente kaming nakahiga sa lounge chairs dito sa pool side. Ramdam ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko sa mapanuksong sinabi ni Mr. Reynosa.


"We're just having a good time Mr. Reynosa, 'cause for sure... we're gonna be very busy after this, right baby?"Nakangiting lumingon sa akin si Harizel at kinindatan ako. Hinithit niya rin ang hawak niyang sigarilyo at ibinuga pataas ang usok non at saka niya pinatay iyon sa ashtray na nakapatong sa maliit na mesang nasa pagitan ng puting lounge chairs na pinagpapahingahan namin.


Alas-tres na ng hapon kaya tirik na tirik narin ang araw. Masarap talagang mag swimming.



"Excuse me, Mr. Reynosa, there's a call for you, galing po sa opisina. Importante daw po." anas ng babaeng lumapit sa kinaroroonan namin, nakasalamin ito at sa tantya ko ay nasa thirties na ang edad nito.

"Alright, I'm coming." ani Mr. Reynosa at saka niya kami nilingon ni Harizel. "Please excuse me, Mr. Mckinley, Ms. Cusdonial. I guess I have some business matters to do. Just take your time." Tumango lang kami sa kanya ni Harizel at isinuot na niya ang puti niyang robe at naglakad na palayo sa amin.



"Come, let's dip in the water." pang-aaya sa akin ni Harizel.

"Lagyan mo muna ako ng sunblock." nakangiti kong inginuso sa kanya ang sunblock ko na nasa ibabaw ng mesa sa pagitan namin.

"I'll be glad to do that." nakangisi niyang sabi at saka niya nagmamadaling kinuha ang sunblock.


Dumapa na ako at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang mainit na palad ni Harizel sa likod ko. Napapikit ako dahil sa sarap ng banayad na paghaplos niya sa likod ko. Bahagya niya rin na minasahe ang balikat ko na nagpakawala ng mahina kong pag-ungol.

"Stop moaning, baby. You're turning me on." he whispered huskily that made me smile.


Bumaba ang kamay niya sa paa ko, paakyat sa aking hita and then... Damn! That's the most sensitive part of my body.

"Harizel!" saway ko sa kanya ng maramdaman ko ang kamay niya na kinapa ang gitna ko. Though naka bikini ako ay ramdam ko ang mainit niyang palad doon. He's really naughty.



He sexily laughed at me when I turned around to face him. Masama ang tingin ko sa kanya ng bigla kong hinila ang isa niyang kamay para mag bend siya palapit sa akin.

Tumaas ang isang kilay ni Harizel sa ginawa ko at saka umangat ang sulok ng kanyang labi.

Medyo hindi ako makapagpigil ngayon kaya niyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya, kamuntik na siyang sumubsob sa akin, mabuti nalang at naitukod niya sa magkabila kong gilid ang mga kamay niya.

Nakangiting nagtitigan kami ni Harizel na para bang kapwa namin inaakit ang isat-isa until I make the first move.


Inangat ko ang ulo ko at pikit mata ko siyang hinalikan ng mariin sa labi niya na para bang ito ang unang beses na dumampi ang labi niya sa akin.

Ganoon naman talaga dapat diba?

Always kiss your special someone, just like the first time you taste his/her lips.



Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon