Kabanata 9
Scared----------
Hindi ako mapakali dito sa kama. Nagpapagulong-gulong ako habang hawak ko ang cellphone ko at kanina ko pa pinag-iisipan kung itetext ko ba si Harizel para mag sorry o wag nalang? Pero naguilty talaga ako sa pananampal na ginawa ko sa kanya kanina. Hindi ko talaga dapat siya sinampal.Maghahating gabi na. Siguro tulog na siya, maybe this is the perfect time to text him para hindi agad siya magreply.
Bumangon ako at pinag-ekis ang mga paa ko at saka lakas loob akong nag-type ng message
Ako:
Sorry. Hindi dapat kita sinampal kanina, galit lang talaga ko kanina nun sa dalawa mong kaibigan. Wag mong isipin na hindi na ako galit sa ginawa mo dahil galit parin ako doon. Nagsosorry ako dahil palagay ko, sobra yung ginawa ko. Sorry ulit.Nanginginig pa ang mga daliri ko ng pindutin ko ang send button at napahinga ng malalim ng mai-sent ko na ang message ko kay Harizel.
Makalipas ang ilang minuto. Wala akong natanggap na reply mula kay Harizel pero hindi rin naman ako umasa. Ayokong mag-reply agad siya. Nagpasya na akong matulog pero ganun nalang ang pagkagulat ko ng tumunog ang cellphone ko at bigla akong kinabahan ng mabasa ko sa screen ang pangalan ni Harizel. Shocks! Tumatawag siya. Sasagutin ko ba'to?
Ayokong sagutin ang tawag ni Harizel dahil naisip kong magpanggap nalang na tulog na, kaya lang ay tila may sariling pag-iisip ang mga kamay ko at inaccept ko ang tawag niya.
"Hello!" Nailayo ko ng bahagya ang cellphone ko sa tenga ko ng marinig ang pagsigaw na'yon ni Harizel.
Letcheng 'to! Bakit kailangan niyang sumigaw?
"Hello! Wag ka ngang sumigaw hindi ako bingi." iritado kong singhal sa kanya.
Nagkamali talaga akong sinagot ko pa ang tawag niya.
"Ano bang pake mo kung sumigaw ako? Hoy babae! Ayoko ng tinatawagan o tinitext mo ko, okay? Wag mo na kong guguluhin. Hindi kita type. Stay out of my life. Bitch!"
Napaawang ang bibig ko at halos hindi ako nakaimik sa sinasabi ni Harizel at bago pa niya mapatay ang tawag niya ay bumawi muna ako sa kanya. "Putangina mo!" At saka ko tinapos ang tawag niya.
Hindi naman talaga ako nagmumura ng ganon pero sadyang nabwisit talaga ako sa sinabi niya.
Nanginginig ang buo kong katawan at paulit-ulit kong naririnig ang masasakit na salitang sinabi ni Harizel.
Galit siya sa akin pero bakit ganon naman niya ako kung kausapin? Tinawag niya pa akong bitch. Nobody called me that, siya palang.
Wala na talaga. Give up na ako sa lalaking yon. I thought there's still something good on him but I was wrong. I was very wrong to believe him.
Kaya ikaw puso, tigilan mo narin ang paglikot pag malapit sa akin ang lalaking yon. Wala kang mapapala kay Harizel. He's a jerk, he'll stay that way and he's not gonna change.
Paglabas ko ng kotse ni daddy ay agad na iyong umandar. Isang tipid na salitang ingat lang ang sinabi nila sa akin bago muling nagsimula ang mga araw namin ng magkakalayo. Mabuti pa noon nung nabubuhay si ate Jenna. Ang dami nilang bilin sa amin. Yung iba, ayaw nila ng maraming bilin sa kanila ang mga magulang nila pero ako. Gustong-gusto ko yun kasi ngayon hindi ko na maramdaman yon at iyon nalang ang palatandaan ko na mahalaga ba ako sa parents ko. Kaso sa araw-araw na ginawa ng diyos, wala na akong narinig na katakot takot na bilin sa kanila, kasabay ng pagkawala ni ate Jenna ang halaga ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
General FictionMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...