Kabanata 44

13.9K 273 14
                                    

Kabanata 44
Maghanap ng tyempo

----------

"1...2...3" 

Nag flash ang magandang camera ni Hazel na animo isang bazooka. Ang haba kasi ng lens.

"Perfect! Sama naman ako! Daniel, kuhanan mo naman kami."

"Sure!" Inabot ni Hazel ang camera niya sa kaibigan niyang si Daniel. Isang gay na nakakapanghinayang dahil sayang ang kagwapuhan nito.

Umingay ang mga kaibigan ni Harizel sa likod. Ang iba ay nagpalitan pa ng kanilang pwesto.

"Dun ka, gwapo lang dito."

Napangiti ako sa ginagawang panunulak ni Daren kay Neil na nasa left side.

"Bakit gwapo ka ba?" Nakangising tanong naman ni Neil.

"Bulag ka ba at hindi mo nakikita?"

"Hindi ko kasi makita."

"Fuck you! Sikmurahan kita dyan e."

Tumatawang naglakad si Neil palayo kay Daren at lumapit ito kay Dorina na kausap si Aika. Paglapit ni Neil kay Dorina ay napansin ko ang pagpulupot ng braso nito sa baywang ng kapatid ni Daren.

I thought magagalit si Dorina pero parang balewala nga lang ito sa kanya. Nakita ko pa nga ang pagngiti nito kay Neil.

Nasanay lang yata ako dahil kanina ay panay ang away nilang dalawa and now they look like a very sweet couple. Dati ko pang nakikita na parang may something sa dalawang 'to, pero hanggang ngayon ay hindi ko parin matukoy kung ano ba talaga silang dalawa.

Halos lahat ng HBB ay may kapartner na kasama pero dalawa lang sa kanila ang sure ako na may seryosong relasyon. Si Aries at Humpy. 

Si Aries na malapit ng ikasal kay Aika at si Humpy na ikinasal na sa maganda nitong asawa. The rest is hindi ako sure kung nakikipagseryosohan narin ba o nasa status parin sila ng malalanding ugnayan.

Ang ipinagtataka ko pa ay bakit kaya hindi man lang inimbitahan ni Harizel ang kung sino mang available fling niya. Siya lang kasi ang walang kapareha sa kanila kung tutuusin.

"Guys closer pa." Ani Daniel.

Hindi ako gumalaw sa kinaroroonan ko dahil mukhang hindi ko na kailangang umusod, pero mali pala ako.

Lumapit sa akin si Daniel at hinawakan niya ako sa braso ko at saka inilapit kay Harizel. Nanigas ako ng magdikit ang mga braso namin. Sa tuwing nagkakadikit talaga ang mga balat namin ay para bang may kakaibang kuryenteng kumikiliti at gumigising sa diwa ko. 

Ipinilig ko ang ulo ko at napaangat ako ng tingin kay Harizel na bigla akong inakbayan.

"Ayan, perfect!" Tuwang-tuwang sabi naman ni Daniel.



Pagkatapos ng picture taking ay nagpaalam na ako kay Harizel at sa mga kaibigan niya na uuwi na ako. Alas-siete na kasi ng gabi ng silipin ko ang oras sa wrist watch ko.


"Hindi. Hindi ka pa pwedeng umuwi, Johana." ani Hazel na hawak-hawak ako sa pulsuhan ko at hinihila ako papasok ng bahay nila dahil naroon na ang iba.

"Mag-iinuman pa tayo." Dagdag pa ni Dorina.

"Hayaan niyo na siya, may lakad kami bukas. Hindi siya pwedeng magpuyat." ani Harizel.

Nakita ko naman ang kakaibang guhit ng ngiti sa labi ni Hazel at Dorina.

"Saan ang lakad? Date?" Tanong ni Hazel.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon