Kabanata 34
Shattered---------
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. At first blurred ang nakikita ko hanggang sa unti-unti ng luminaw ang paningin ko at bumungad sa akin ang puting kisame.Binaba ko ang tingin ko at iginala ko ang mga mata ko sa bawat sulok ng kinaroroonan ko ngayon. Hindi na bago sa akin ang lugar na'to. I'm in a hospital. Bahagya kong ginalaw ang kamay ko at napangiwi ako ng maramdaman kong may nakatusok na injection sa akin at may nakasabit namang dextrose na nakalagay sa gilid ng kama ko.
Sinong nagdala sa akin dito? Bakit wala akong kasama? Ang huling natatandaan ko ay ang mga natatarantang boses ng marami ng mag collapse ako at narinig ko rin doon ang boses ng mga kaibigan ko, so probably sila ang kasama ko.
"Hannah, Kirsten, Ericka!" Sa bawat salitang lalabas sa bibig ko, para bang hinahabol ko ang hininga ko, nararamdaman ko rin ang kung anong kirot sa dibdib ko.
Unti-unti akong binabalot ng takot. Nasa isip ko na baka inaatake na naman ako ng sakit ko because I'm too emotional right now, natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako na baka dahil sa mga nararamdaman ko ngayon ay mas lumalala ang sakit ko.
"Hannah,Kirsten, Ericka!" Pagtawag ko ulit sa mga kaibigan ko. Mas malakas na rin ngayon kahit na nahihirapan akong magsalita dahil sa kakapusan ng hininga.
Mabilis na pumasok sa silid ko si mommy at sumunod naman si daddy. Nasa mukha nila ang pag-aalala ng lapitan nila ako. Nakita ko rin na pumasok ng silid ko ang mga kaibigan ko at si yaya Weng.
"Johana, may nararamdaman ka ba?" tanong ni daddy. "Yaya Weng, can you please call the doctor." bakas sa boses ni daddy na natetensyon siya.
"No dad. I'm fine. I just don't wanna be alone. Natatakot po ako." Napahikbi ako at agad kong naramdaman ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.
"Sssh...Johana, nandito lang kami. Just relax and please don't cry." hinaplos ni daddy ang buhok ko at pinunasan niya ang mga luha sa mga mata ko.
"Jona, ano bang nangyari? Nakita ka nalang namin kanina na nasa sahig, nakahawak sa dibdib mo, namumutla." tanong ni Kirsten. Nakatayo sila ni Ericka at Hannah sa may paanan ng kama ko.
"Hindi mo sinasabi sa amin na may sakit ka pala sa puso. Ang tagal na nating magkakaibigan but you never told us about your illness." sabi naman ni Hannah.
"Because I want to live normal at gusto ko na tratuhin niyo rin akong normal."
"Anak, sigurado ka bang wala kang nararamdaman?" paninigurado naman ni mommy.
"Masakit po ng konti ang dibdib-"
"Yaya Weng, pakitawag na po ng doctor." natatarantang utos ulit ni daddy na agad ng sinunod ni yaya, sumama pa nga sa kanya si Ericka.
"But dad. I know it's normal."
"Anak, hindi maganda ang condition ng puso mo. That is not normal. Your doctor suggested us na ipaopera ka. Open heart surgery, Johana. You know about it right? Alam kong ipinaliwanag na sayo ito noon, last time na sinumpong ka."
"Pag hindi ka naoperahan. Lalala ang sakit mo, Johana. Nahihirapan kasi ang dugo mo na dumaloy sa puso mo, anak. If you undergo a surgical operation they can repair damaged or abnormal areas of the heart at kung makakakuha tayo ng heart donor they can replace your damaged heart. Alam namin ng daddy mo na it's a risk...but we know you, Johana. Maybe your body's weak, but not your hope and faith. May tiwala kami sayo, Johana." sabi naman ni mommy.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
General FictionMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...