Kabanata 21
Ulan----------
Pagkatapos lumakad ng mga candidates in their formal attire. Muli namang tinawag ni Domi ang kauna-unahang candidate for the swimwear walk.Hindi ko alam kung bakit ilang na ilang akong tumingin ngayon sa mga contestant samantalang ang marami sa mga nanonood ngayon ay halos tunawin na sa titig ang mga ito, para pa ngang gusto nilang sugurin ang mga ito. Hindi lang siguro talaga ako sanay na makakita ng mga lalaking boxer shorts, swimming trunks at brief lang ang suot.
Sa paglabas ng HBB ay mas lalong umingay ang manonood. The crowd is going wild and crazier.
Pero 'tsaka lang yata nabuhay ang hormones ko ng si Harizel na ang nasa stage. hindi ko maiwasang mamangha sa maganda niyang katawan. Well, lahat naman ng kasali ay magaganda ang katawan pero dahil si Harizel ang pinakakilala ko sa lahat at pinakamalapit sa akin, siya ang pinaka-attracted sa mga mata ko, sa paningin ko. Sa bawat hakbang niya suot ang swimming trunks na kulay itim, dinig ko ang malakas na dagundong ng puso ko at para bang slow motion ang galaw niya sa paningin ko. Tila may hatid na init din ang presensya niya ramdam ko ang namumuong pawis sa buong katawan ko habang tinitignan ko siya.
Nakangiti si Harizel habang confident siyang naglalakad at ibinabandera ang kanyang katawan. He has a perfect body from his broad shoulders down to his v-line. Pagtingin niya sa direksyon namin ay isang matamis na ngiti ang nakita kong sumilay sa mga labi niya at saka siya tumalikod.
Natuon ang pansin ko sa tattoo niyang infinity sign sa upper part ng kanyang likod na malapad. Minsan ko na siyang nakita noon na naka topless pero hindi ko yata napansin na may tattoo pala siya, ngayon ko lang iyon napansin.
I was very curious kung paano naging kakaiba ang contest na nagaganap ngayon. Until I found out why. Kakaiba nga talaga ang contest na nagaganap ngayon. I didn't thought that this is going to be more entertaining than I expected.
Hindi ko mapigilang matawa habang pinanonood kong isa-isang rumarampa sa stage ang mga candidates na nakasuot ng wig, gowns, high heels at make-up. Malakas na tawanan ang maririnig mula dito sa audience area, lalo na ng isa-isa narin magsilabas ang HBB na kita sa mukha na di sila komportable sa kanilang itsura.
Napapailing nalang ako habang nakangiting nakatingin sa kanila na hirap na hirap sa paglalakad. Hindi bagay sa kanila ang suot nila dahil sa tindig nilang lalaking-lalaki, pero ng lumabas ang isa sa HBB na si Humpy ay manghang-mangha ang lahat sa kanya. Jesus! He's beautiful.
Bumagay kay Humpy ang gown na suot niya at ang make-up niyang hindi ganoon kakapal tulad ng sa iba. He has a long and brunette wig na kulot yung dulo, bumagay iyon sa maliit niyang mukha. He really looks like a girl, pero hindi parin maitatago ang katawan niyang makisig.
"Ang ganda ng boyfriend ko! Gwapo na, maganda pa!" humahangang sabi ni Hannah na napahinga pa ng malalim.
Muling nagtawanan ang lahat ng lumabas si Harizel, Daren at Aries na kulang nalang ay magswimming sila sa stage. Halos sumakit ang tyan ko kakatawa sa kanila lalo na kay Harizel na nakailang beses na natapilok at natapakan ang laylayan ng kanyang suot na mahabang gown, ni hindi nga siya makatingin sa direksyon namin. Poor Harizel, he looks so embarrassed.
Nagtataka tuloy ako kung paano sila na convince ng student president naming si Domi. Halata kasi sa mga mukha ng HBB na nasusuklam sila sa suot nila, sa itsura nila. Bilib na talaga ako kay Domi sa convincing power niya.
Dumating ang talent portion at pagsayaw ang ginawa ni Harizel na kahit di naman ganoon kagaling ay napakarami ng naghihiyawan, lalo na ng bahagya niyang itaas ang suot niyang black na sando at pinasilip ang kanyang pinagmamalaking abs habang nakaangat ang isang sulok ng kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
General FictionMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...