Kabanata 22

13.7K 299 13
                                    

Kabanata 22
Sin

-----------
Pikit ang mga mata ni Harizel habang magkalapat ang labi naming dalawa. Kasabay ng paggalaw ng labi niya sa labi ko ay ang pagpikit ko ng aking mga mata at pagtugon sa kanya.

Banayad ang paghalik niya sa akin na para bang dinadama niya ang bawat sandaling nakalapat yon sa akin. My heart pumping so fast na halos malakas pa ang tunog nun sa ulan. Para bang isang panaginip ang nangyayari ngayon dahil sa nakakalunod na kasiyahan na bumabalot ngayon at lihim na nagdidiwang dito sa damdamin ko. Damn! This is beyond imaginable.

Si Harizel mismo ang pumutol sa mainit niyang halik and when I open my eyes again. Nakatitig siya sa akin, masuyo at nakakamangha habang may tumutulong tubig sa labi niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya kasabay ng paglusob ng hiya sa damdamin ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng maisip kong may nakatingin sa amin at pinanonood kami. Napahinga ako ng malalim ng makita kong walang ibang tao ngayon dito. Mabuti nalang.

"Let's go." pang-aaya sa akin ni Harizel na kinuha ang kamay ko.


Magkasabay kaming naglakad ni Harizel ng magkahawak kamay, hanggang sa makakita kami ng isang hotel. Pumasok kami agad doon. Nakita ko pa nga ang gulat sa mukha ng security guard ng pumasok kami doon na basang-basa ng ulan.

"Hintayin mo ko sa waiting area." ani Harizel.

Napatingin ako sa waiting area na may mga puting couch habang si Harizel ay kasalukuyan ng nakikipag-usap sa mga staff na nasa front desk. Ako naman ay imbes na maupo sa waiting area ay tumayo nalang ako sa tabi ng Ming Aralia plant na isa sa mga uri ng indoor plant o mga halamang nabubuhay kahit na hindi nasisikatan ng araw.

Yakap ko ang katawan ko habang nanginginig ako sa lamig. Ilang saglit lang ay nakita kong tumatakbo na si Harizel palapit dito sa kinaroroonan ko at bakas sa mukha niya ang pag-aalala ng makalapit na siya sa akin, hinawakan niya pa ako sa magkabila kong braso.

"Nangangatog ka na." aniya at saka niya ako niyakap ng mahigpit at naramdaman ko ang paghinga niya sa tuktok ng ulo ko. Dahil doon ay medyo nabawasan ang pangangatog ko sa init ng kanyang hininga at balat na dumadampi sa akin.

Inaya niya na akong maglakad habang nakapulupot ang isang braso niya sa likod ko at nakahawak siya ng mahigpit sa braso ko.


Sumakay kami sa elevator at pinindot ni Harizel ang fifteenth floor.


Habang hinihintay namin na huminto ang elevator sa floor number namin ay tahimik lang kaming nakatayo ni Harizel habang yakap ko parin ang katawan ko.

"Giniginaw ka parin?" Tanong ni Harizel.

"Isn't it obvious?" Bakas pa sa boses ko ang pangangatog.

Nagulat naman ako ng bigla-bigla ay naghubad si Harizel ng suot niyang t-shirt. Napatunganga ako habang pinagmamasdan ko ang kanyang katawang tila perpektong nililok ng isang magaling na sculptor. Napaatras naman ako at napasandal sa sulok ng elevator ng lumapit pa sa akin si Harizel. Dinig ko na naman ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa kakaibang presensyang meron siya ngayon

"H-Hoy! A-Anong binabalak mo? Sisipain kita!"

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang siya sa paghakbang palapit sa akin.

"Harizel!" Saway ko sa kanya.

Sisipain ko na sana siya pero bigla niya akong kinabig palapit sa kanya at niyakap ako.

Nagpumiglas ako sa kanya. "A-Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ko, Harizel."

"Giniginaw ka and I'm here to give some body heat, Ms. Custodial."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon