Kabanata 7

13.7K 340 14
                                    

Kabanata 7
Hug

----------
"Napahiya ako doon, Jona." Tila naghihimutok na sabi ni Harizel. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag che-check ng pinasagutan ko sa kanyang problem.

"Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga taong namamahiya sa akin?"

Ang tinutukoy niya ay ang ginawa kong pang-iisnob sa kanya kanina nung breaktime.

Kasama niya ang HBB non sa tambayan nila at galing ako nun sa library. Sa di kalayuan ay natanaw ko agad ang HBB sa kanilang tambayan. Nakita ako ni Harizel at sinutsutan ako, ngiting wagas pa nga siya nun at kinakawayan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ng ilang hakbang nalang ako palapit sa pwesto nila ay narinig ko pa ang pang-aalok niya sa akin na kumain, pero para hindi ko siya nakita ng balewalain ko ang pang-aalok niya at dire-diretso akong naglakad at nilampasan sila.

Paglampas ko ay narinig ko ang pang-aalaska ng mga kaibigan niya kay Harizel.

Natatawa ako kapag naaalala ko yon. Pero hindi ko naman intensyon na pahiyain siya, ayoko lang talagang sinusutsutan ako dahil una sa lahat, hindi ako aso at saka ayoko rin na makita ako ng mga tao na kasama ko ang HBB, iba kasi ang dating non sa mga nakakakita. Alam ko naman na walang lugar sa paningin ng mga marami dito ang isang tulad ko na makita kasama ang HBB.

"Jona! I'm talking to you."

Napaangat ako ng tingin at tumambad sa akin ang mukha ni Harizel. Nakatayo na siya at nakatukod ang mga kamay niya sa mesa at napakalapit ng mukha niya sa akin, halos dangkal na nga lang at halos lamunin na ako ng nagwawala kong puso.

"W-What?"

Napalunok ako ng inilayo na niya ang mukha niya sa akin at muli siyang naupo sa upuan niya. "Damn girl, ang hirap ispilengin." aniya at saka siya napabuntong-hininga.

Inirapan ko siya at hinagis sa kanya ang notebook niya pagkatapos kong mai-check ang mga problem na pinasagutan ko sa kanya.

Tinignan niya iyon at nakita ko ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi. "Wala akong mali."

"O siya umuwi ka na. Ginabi ka na naman, darating na si mommy at daddy."

"That's good. I wanna meet them." Inilagay niya ang mga kamay niya sa likod ng kanyang ulo at ngumiti.

"Umuwi ka na!"

Ilang weeks ko na rin tinuturuan si Harizel pero ni minsan ay hindi ko pa siya napapakilala ng personal kay mommy at daddy, but it doesn't matter kasi hindi naman kailangan talaga.

"Uwi na."

Tumayo ako sa inuupuan ko at nilapitan ko siya at saka ko kinuha ang kamay niya at hinila. "Umuwi ka na, Mr. McKinley. Wag ka ng makulit at baka mainis mo na naman ako. Para kang batang dapat parating inaamo, nakakabwisit!"

Tumawa siya at nagulat ako ng bigla ay ako ang hinila niya at napaupo ako sa kandungan niya.

"Harizel ano ba! Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ko.

"Come on, Ms. Custodial. Free yourself."

Hinigpitan niya pa ang pagpulupot niya ng mga braso niya sa baywang ko. Inabot ko yung libro ko sa mesa at pinukpok ko siya ng libro sa ulo, paulit-ulit hanggang sa kinalas na niya ang mga nakapulupot niyang braso sa baywang ko at agad akong tumayo at lumayo sa kanya.

"Bwisit ka talaga! Bakit mo ginawa yon?"

Tumayo siya sa kinauupuan niya at nakangiting namaywang.

"Punishment for making me embarrassed."

"Paano naman naging punishment yon?"

"Actually, it's pleasing for me and it's a punishment for you because I know you don't want it. That's why I called it punishment."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon