Kabanata 30

12.9K 296 20
                                    

Kabanata 30
Rooftop

----------
"Johana, meet my loving parents. Milagros and Brent McKinley."

Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko pagkatapos ipakilala sa akin ni Harizel ang parents niya.

Ganito pala ang pakiramdam ng ipinakikila ng taong mahal mo sa parents niya and this isn't unexpected meeting, it was a plan and a formal one.

Inabot ng daddy ni Harizel ang kamay niya sa akin "Just call me, tito Brent." anito habang nakikipagkamay sa akin.

"Tita Mila nalang ang itawag mo sa'kin, Johana." Sabi naman ng mommy ni Harizel ng makipag beso ito sa akin.

Square shaped ang mesa rito na may magandang table setting, sa bawat side ay may dalawang upuan, sadyang pang apatan lang talaga ang table namin. Tumabi sa akin si Harizel at magkatabi naman ang kanyang parents na hindi na nawala ang tingin at ngiti sa akin. Nasa tapat ko si tita Mila at katapat naman ni Harizel si tito Brent.

"It was really nice meeting you, Johana. I thought that our son is just kidding when he told us that he want us to meet the special girl of his life. It's so unusual because he never introduced us to any girls before. Not until we met you. I can feel that there's really something special on you, my dear." nakangiting sabi ng mommy ni Harizel.

Nakita ko namang sinenyasan na ni Harizel yung maitre 'd na umasikaso sa amin kanina, tumawag naman ito ng waiter na dali-daling lumapit sa mesa namin para kuhanin ang order namin.




"Sabi ko na nga ba at darating din ang araw na'to. Johana, ano na nga bang status niyo ng anak ko?" Tanong sa akin ng daddy ni Harizel habang hinihintay namin ang aming order.

"Ahm, we're..."

"Dad, I'm still courting her at gaano man katagal akong paghintayin ni Johana, hinding-hindi ko siya pagsasawaang ligawan." sagot ni Harizel. Naramdaman ko pa ang paghawak niya ng kamay kong nakapatong sa hita ko na nasa ilalim ng mesa. Nilingon ko siya at nilingon niya rin ako, he was smiling at me with his glistening eyes.

"You know what, Johana? Ang anak namin, minsan lang magmahal ng totoo yan kaya wag mo ng patagalin. Alam kong loko-loko yang si Harizel, pero etong nangyayari ngayon. Hinding-hindi gagawin 'to ng loko-lokong Harizel. I can see in my son's eyes that he's truly in love with you. Alam kong tinamaan sayo ang anak ko."

"Mom!" tila nananaway na sabi ni Harizel habang nakangiti siya sa mommy niyang bakas sa tono ng boses na siguradong-sigurado itong in-love nga sa akin ang anak niya.

"What? I'm telling the truth, baka kasi nagdadalawang isip pa si Johana."

Pinisil ni Harizel ang kamay ko. "Hayaan nalang natin si Johana na mag desisyon."

Gusto kong maniwala kay tita Mila na mahal nga ako ni Harizel, pero hanggat hindi ko naririnig ang salitang yon mula sa kanya, hinding-hindi magiging buo ang paniniwala kong 'to.

"Ano nga palang course mo, Johana. If you don't mind, can you tell us about yourself? Eto kasing si Harizel, walang naikukwento sa amin."

Usapan talaga namin ni Harizel na walang ibang makakaalam ng namamagitan sa amin bukod sa mga kaibigan at parents ko, at mabuti naman ay sumusunod itong si Harizel.

Nagkwento ako sa parents niya. Sinabi ko ang mga basic information ko sa kanila at tahimik naman silang nakikinig lang sa akin, minsan pa nga ay magsasalita rin si Harizel at dudugtungan niya ang mga sinasabi ko with his proud voice.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon