Kabanata 3

15.5K 316 33
                                    

Kabanata 3
Kiss

----------

"I'm sorry. I thought she was just..." bakas sa mukha ni Harizel na nagulat talaga siya at tila hindi makapaniwala sa sinabi kong patay na si ate Jenna.

"Okay lang. Tara magsimula na tayo."

Tila naging maamong tupa siya habang tinuturuan ko siya ng basic math formula. Siguro dahil na-guilty siya sa ginawa niyang pangungulit sa akin kanina.

Pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang isang equation problem kung saan siya nahihirapan. Binigyan ko narin siya ng pwede niyang sagutan, he's a fast learner, kailangan lang talaga ni Harizel na pagtuunan ng pansin, bigyan ng sapat na atensyon.

Habang seryoso niyang sinasagutan ang limang equation problem na binigay ko sa kanya.

Naupo naman ako sa single couch at kinuha ang binabasa kong english novel, pero hindi agad doon natuon ang atensyon ko dahil pinanood ko muna si Harizel na seryosong nagsasagot.

He's really a good looking guy. Ang tangos ng ilong niya at ang gaganda ng mga mata niya, almond-shaped iyon at nakakamangha ang makapal at mahahaba niyang lashes na sa dulo ay naka kurba.

Kitang-kita ang buto ng kanyang panga at ang maganda niyang jawline.

Kagat-kagat niya ang dulo ng lapis na hawak niya at nakadikit sa lapis ang mapupula niyang pouty lips.

Bigla akong napalunok at nakaramdam ng uhaw sa di ko malamang dahilan. Para bang hinigop ni Harizel ang lahat ng tubig ko sa katawan habang wala siyang kamalay-malay na pinanonood ko siya ngayon.

"Kakatingin mo sa'kin ng ganyan, maniniwala na talaga akong crush mo 'ko?"

But I guess I was wrong to say na wala siyang kamalay-malay sa ginagawa ko. Nagulat ako sa sinabi niya lalo na ng bigla siyang tumingin sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at muling ibinalik ang atensyon ko sa librong binabasa ko, pero mukhang huli na talaga para magpanggap ako.

"Okay sige, kunwari hindi ko alam na tinitignan mo'ko kanina." ani Harizel.

"Magsagot ka na nga lang dyan. Kung anu-anong pinagsasasabi mo." saway ko sa kanya ng hindi siya tinitignan.

Lumipas ang ilang minuto ay tila may anghel kaming kasama dahil sa katahimikan namin dito sa living room. Nag-angat ako ng tingin para alamin ang ginagawa ni Harizel, pero pag-angat ko ng tingin ay gusto kong magsisi na ginawa ko.

Pakiramdam ko palito ako ng posporong biglang kiniskis sa kaha nito para sumindi. Halos umakyat lahat ng dugo ko ng magtama ang mga mata naming dalawa ni Harizel.

Nakatukod ang siko niya sa coffee table at sapo ng kanyang palad ang kanyang baba, habang nakapilig ang ulo niya sa akin at nakangiti siya. Labas ang kanyang mapuputing ngipin.

"Siguro naman hindi mo na itatanggi ngayon na tinitignan mo 'ko?"

Halos tumalon ang puso ko sa mga titig at ngiti niya, pero hindi ko ipinahalata sa kanya yon.

"Napatingin lang ako. Masama bang tumingin sayo?" Depensa ko sa kanya.

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "Nope, not really. Babalaan lang kita...baka sa kakatingin mo sa'kin, makita mo 'ko hanggang sa panaginip mo, you know...wet dream."

Inirapan ko naman siya. "Kapal mo! Kung mapapanaginipan man kita. Baka bangungot yon. Wet dream mo mukha mo!"

"Nagka wet dream ka na ba, Ms. Custodial?"

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon