Kabanata 20

14.3K 281 9
                                    

Kabanata 20
I'll never forget

----------
"Diba wala naman sa list mo ang kiss in the lips?" Nakangising tanong ni Ericka habang magkatabi kaming nakaupo sa couch at kumakain ako ng spaghetti na dinala ni Harizel at ng mga kaibigan niya kanina.

"Wala, 'tsaka common na yung kiss in the lips kaya hindi ko na isinama yon sa list ko."

"Pero nakakaloka kayo! You did that in the middle of the dance floor?!" Tila kinikilig na hinampas ako ni Ericka sa braso.

"Hmm!" Daing ko. Hindi ako makapagsalita kasi puno ang bibig ko basta sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Siguradong matutuwa ng bongga si Hannah at Kirsten kapag nalaman nila 'to!"

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Pwede bang wag mo nalang sabihin sa kanila?"

"No! We have to tell them. Wala dapat secret no!"

"Bahala ka!"





Magtatanghalian ng umuwi ako ng bahay. Tinawagan narin kasi ako ni daddy at tinatanong kung nakauwi na daw ba ako. Nang sabihin kong hindi pa ako umuuwi ay sinermunan niya ako at pinauuwi na sa bahay.

Kahit umuwi naman ako sa bahay ay wala naman sila doon. Si yaya Weng lang ang makakasama ko doon.


Nasa living room namin ako ngayon at tahimik na nakaupo sa couch while I'm peacefully and silently reading my book, yung librong binili ni Harizel sa akin ng pumunta kami sa Venice Piazza. Kanina ko lang ito sinimulan dahil ngayon lang naman ako nagkaroon ng oras na magbasa.

"Johana, may naghahanap sayo." ani yaya Weng.

Hindi ko naman inalis ang paningin ko sa binabasa ko. "Sino po yaya?"


"Me."

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Harizel. Namilog ang mga mata ko ng makita kong naglalakad siya palapit sa akin. Nakapamaywang siya, nakasuot ng brown na skinny jeans at naka v-neck white shirt na pinatungan niya ng pulang plaid shirt na hindi niya ibinutones, nakatiklop ang manggas niya hanggang siko and he's wearing a baseball cap na nasa likod ang harapan.

Napataas ang kilay ko ng pabagsak siyang naupo sa tabi ko. Tumagilid siya at ipinatong ang siko niya sa headrest ng couch at sinapo ng palad niya ang kanyang ulo.

"Hi." Bati niya habang nginingitian niya ako at pinupungay-pungay niya ang mga mata niya sa akin. Geez! I really envy his lashes.

"Tamang-tama ang punta mo, Harizel. Gumawa ako ng carbonara." Nakangiting sabi ni yaya na hawak ang walis at dust pan.

"Wow! Can't wait for that yaya Weng."

"Teka maiwan ko muna kayo at may ginagawa pa ako sa kusina.


Pag-alis ni yaya Weng ay humalukipkip ako at mas tinaliman ko pa ang pagtitig ko kay Harizel hanggang sa muli na namang bumalik sa ala-ala ko ang una kong halik na naganap kagabi sa pagitan namin ni Harizel. My God! I can't forget it. Bakit ko nga bamakakalimutan yon, e yun ang first kiss ko at naganap yon sa isang public place.

Napapikit ako at napailing-iling at saka ako muling bumaling kay Harizel. "Ano bang ginagawa mo dito?"

"I wanna talk to you."

"'bout what?"

"Bakit ka ba pumunta sa club kagabi?"

Sinapo ko ang noo ko at napailing-iling ulit at saka ako nag-angat ng tingin. "Wala ka na bang ibang tanong bukod dyan? Tapos na yan. Nandito na ako sa bahay namin o, nakauwi na ako ng matiwasay."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon