Kabanata 49

19.5K 393 31
                                    

Kabanata 49

Harizel's POV
----------

I was so exhausted when I lay on bed after having my mind blowing orgasm. I closed my eyes at humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Zel, pwede bang wag ka ng maghanap ng iba? Ako nalang. Handa akong paligayahin ka araw-araw." Malambing na sabi ni Rebecca habang yakap-yakap niya ko at hinahalik-halikan sa tenga ko.

Paligayahin ako araw-araw? That's absurd.

Hindi ko naiwasang matawa sa sinabi niya at saka ko idinilat ang mga mata at pinilig ang ulo ko paharap sa kanya.

"Masaya lang ako sayo kapag nasa kama tayo. Wag mo ng ipilit ang sarili mo, Rebecca and besides...I'm not ready to bring our relationship to the next level. You know that I'm not into girlfriend and boyfriend thingy, hassle lang yan."

"How could you say na hassle lang yon if you don't even try?"

Kahit kailan talaga 'tong si Rebecca, napakakulit.

Bumangon ako at naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa braso ko na para bang pinipigilan niya akong bumangon, kaso huli na dahil nakabangon na ko.

"I don't want to try because I'm not ready. Masaya ako sa ginagawa ko ngayon. Me as a single man that can mingle to every woman that I want. Iyon ang kaligayahan ko. Hindi ako liligaya sa iisang babae lang." Madiin kong sabi kay Rebecca at saka ako tuluyang tumayo at bumaba sa kama.

Nasira ang mood ko sa mga pinagsasasabi ni Rebecca. Sa tuwing magkakasama kaming dalawa ay parati niya talagang isinisingit ang usapin na yon, ipinipilit niya ang sarili niya sa akin. She wants more than what we are now. Ayoko pa naman ng pinipilit ako.

Pag-uwi ko sa bahay namin ay naabutan ko ang kapatid kong si Hazel. Nasa tapat siya ng gate kasama ang manliligaw niyang si Troy na player ng East Middleton University, na mahigpit na kalaban ng team namin. Ang saya-saya ng kapatid ko habang nakikipagkwentuhan. Isang nakakatuwang idea naman ang pumasok sa isip ko.

Isang malakas na busina ang ginawa ko para sirain ang usapan ng dalawa. Napatingin naman sila sa kotse ko habang nasisilaw sa headlight nito na sapul na sapul sa kanila.

Napangiti ako ng makita ko ang naniningkit na mata ni Hazel habang nakatingin siya sa kotse ko. Tinted ang fortuner ko kaya hindi niya ako nakikita. She look so very mad and when she's mad...there's gonna be war.

Bully na kung bully pero masarap talagang asarin ang kapatid ko. That's my way of saying how much I love her. My mom and her is the most precious girls of my life.

Pinagbuksan ako ng gate ng security guard namin at pagbaba na pagbaba ko palang ng kotse ay ang singhal na agad ni Hazel ang sumalubong sa akin.

"Bakit kailangan mong bumusina ng ganon kalakas?" Aniya habang salubong ang mga kilay niya sa akin at nakapamaywang.

"Baka kasi nasa outer space na kayo at di niyo marinig kapag mahina. Bakit? Nasira ko ba ang masarap niyong kwentuhan? Grabe ang ngiti mo kanina, Hazel. Abot hanggang tenga. Parang mapupunit na yang bibig mo. Kilig na kilig ka masyado sa pinagsasabi ng Troy na'yon no?"

"Stop talking. I hate you." Inirapan niya ako and she crossed her arms.

"Wag kang masyadong magpapaniwala sa pinagsasasabi ng Troy na 'yon sayo. Baka mamaya binobola ka lang non."

"Excuse me. Wag mong itulad sayo yung tao. Matino yon."

"Sus. Lalaki din yon, pagpinadalhan ko yon ng babaeng hubo't hubad sa kwarto niya. Siguradong lalamunin niya rin yon."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon