Kabanata 25

13.1K 262 31
                                    

Kabanata 25
The Night Sky in daylight

----------
Matapos ang isang linggong walang pasok. Balik klase na naman kami at mukhang bumabawi ang professors namin sa dami ng ipinagagawa sa amin ngayon. Sana binigay nalang nila sa'min ang mga 'to nung sembreak, tutal naman ay nasa bahay lang ako nun at walang ginawa kung di ang magbasa ng libro. Hindi nga uso sa akin ang bakasyon e, mas gusto ko yung parating may ginagawa.

"Jona, sama ka sa amin? Punta kaming greenbelt ngayon." Anyaya sa akin ni Hannah paglabas namin ng classroom.

"Bakit? Anong gagawin niyo sa greenbelt?"

"May bibilhin lang sa bookstore. Sama ka na." ani Kirsten.

"Kayo nalang, tatambay muna ako sa library may iri-research din kasi ako."

"Ikaw talaga, napakahilig mong pumunta ng library." Nawiwirduhang sabi ni Ericka na napapailing-iling nalang sa akin. "Tara, sama ka nalang sa amin tapos kain narin tayo." Pagpupumilit niya pa.

"Kayo nalang. Busog pa ako."

"Bahala ka nga. Nagpapaka-loner ka na naman dyan. Anong gusto mong food? bili ka nalang namin."

"Bahala na rin kayo."

Ipinaikot ni Hannah ang kanyang eyeballs at muling napailing-iling, kasunod ng pag-aaya niya kay Kirsten at Ericka na umalis na, nasa mukha pa nito na para bang sumusuko na siya sa ugali ko.

Nanatili lang akong nakatayo dito sa kinaroroonan ko at tinatanaw ang mga kaibigan kong naglalakad palayo at ng hindi na sila mahagip ng paningin ko ay tsaka ako naglakad na papunta ng library.








Ilang minuto ko ng hinahanap ang librong kailangan ko pero hanggang ngayon ay hindi ko parin ito makita, kaya nagtanong na'ko sa librarian.

"Kahapon may nanghiram nun." Anito habang tinitignan ang record niya ng mga nanghihiram ng libro.

"Wala na po bang iba non?"

"Meron non sa library ng engineering department, sa pagkakaalam ko ay dalawa pa nga ang librong ganoon doon."

Napatango-tango ako. "A sige po, salamat po ma'am"

Naglakad na ako papunta sa engineering building. Kailangang-kailangan ko talaga nung librong hinahanap ko. Pagpasok ko sa engineering building ay bumungad sa akin ang maiingay na estudyanteng nagkakatuwaan, sa gilid ay may mga mesa at upuan doon kung saan nakatambay ang maraming engineering student na karamihan ay mga lalaki, natanaw ko pa nga doon si Harizel kasama ang mga kaibigan niya at may ilan silang babaeng kasama na nakikipagtawanan din sa kanila.

Habang tinitignan ko siya ay parang gusto ko siyang tawagin at lumapit sa kanya. Namiss ko kasi siya, na miss ko ang mga ngiti niya. I miss everything about him. Kaya lang ay paulit-ulit namang ipinapaalala sa akin ng isip ko na hindi ko siya pwedeng lapitan, kailangan kong panindigan ang desisyon kong lumayo sa kanya, kaso ang hirap pala talagang lumayo sa taong kasalukuyan kong nakikita. At saka bakit nga ba kapag may gustong-gusto kang layuan, mas inilalapit pa 'to sayo? It was tempting at nasasaiyo na iyon kung magpapatangay ka.

Nagkakatext naman kami ni Harizel at tinatawagan niya rin ako, kanina nga lang ay tumawag siya sa akin. Kaso, iba parin talaga ang pakiramdam kapag nandyan siya at nakikita ng dalawa kong mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla ay mapatingin sa direksyon ko si Harizel kaya agad akong nag-iwas ng tingin at nagmamadali ng naglakad paakyat ng hagdan.

Pagdating ko sa library dito sa second floor ng engineering building. Kinalimutan ko muna si Harizel at itinuon ko muna ang sarili ko sa paghahanap ng librong kailangan ko.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon