Kabanata 43

13.6K 286 6
                                    

Kabanata 43
Gusto mo

----------
Dahil may pasok ang mga kaibigan ko ngayon ay mag-isa akong nagpunta sa White Cross.


Pasado alas-tres na ang nakalipas ng dumating ako dito sa orphanage, na traffic kasi ako. Pagpasok ko sa loob ng White Cross Childrens home ay agad akong sinalubong ni Ms. Adelania at iginaya sa activity area. Pagdating ko doon ay naabutan ko na nakikipaglaro si Harizel sa mga batang naroon. May hawak siyang palobo at hinihipan niya yon, lahat naman ng lobong mahihipan niya ay tinatalon ng mga bata para putukin. Kasama na doon si Hance.

"Maiwan na muna kita, hija. Kumain ka na doon at marami pang pagkain."

Itinuro sa akin ni Ms. Adelania ang buffet table sa gilid. Katabi nun ang mahabang mesa kung saan naroon ang ilan sa mga kaibigan ni Harizel.


"Johana." It's Hazel. Nakangiti siyang kumaway sa akin at patakbong lumapit sa akin.

Nakita kong lumingon din sa akin ang ilan sa mga kaibigan nila.




"Tara upo ka doon." ani Hazel ng makalapit siya sa akin. Inakbayan niya pa nga ako dahil mas matangkad naman siya sa akin.

Paglapit namin sa mesa nila ay nahihiya akong naupo sa tabi ni Aika na nginitian ako. Ang ganda niya, mukha siyang barbie doll, kung maganda na siya noon ay mas lalo siyang gumanda ngayon. Balita ko nga ay engaged na siya kay Aries, kaya siguro napaka-blooming niya.

"Hey, guys. Dahil busy si kuya. Ako muna ang magpapakilala sa kanya. Siya nga pala si Johana Custodial. Siya ang babaeng kinababaliwan ng kuya ko."

Gulat akong napatingin kay Hazel dahil sa pagpapakilala niya sa akin sa mga kaibigan nila ni Harizel.

"She's pretty, right? No wonder my brother's losing his mind on her." Pamumuri pa sa akin ni Hazel habang nakahawak siya sa braso ko.

Para naman akong pagong na gustong magtago sa shell ko dahil sa tila mapanuksong ngiti ng mga kaibigan nila habang nakatingin ang mga ito sa akin. Si Neil, Dorina, Aries at Aika lang ang mga kaibigan nilang tinutukoy ko, kakaunti lang sila pero hiyang-hiya na ako. Iba kasi ang presensya nila sa akin, pakiramdam ko mga matataas silang tao na para bang ayokong magkamali sa kanila.

"How are you, Johana?" Tanong sa akin ni Neil na may nakakalokong ngiti sa labi.

Kinakamusta niya 'ko? Parang nung nakaraang gabi lang ay nagkita kami at nakapagkamustahan.

"O-Okay lang naman." Sagot ko nalang sa kanya.

Tumango-tango naman siya habang hindi parin nawawala ang mga ngiti niya.

"Kamusta ang buhay sa virginia? Limang taon ka doon diba?" Tanong naman ni Aries sa akin na nakaupo sa tapat ni Aika.

"Mahirap but thank God I survived."

"Hindi mo namiss si Harizel?" Tanong naman ni Dorina sa akin.

"Huh? Ah...e..." Wala akong mahagilap na sagot sa tanong ni Dorina na nakaupo sa tabi ni Neil, kaya hilaw nalang akong napangiti.

"Tita ganda. Did you bring my toy car? I wanna play it." Napalingon ako kay Hance na lumapit kay Aika.

"Oh, nasa bahay yung toy car mo. Hindi mo naman kasi sinabing dalhin e."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon