Kabanata 2

17.9K 364 33
                                    

Kabanata 2
Tutor

----------

Laglag ang panga ng mga kaibigan ko ng ikwento ko sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Harizel.

"Totoo ba talaga yan, Jona? Baka naman nakatulog ka lang kanina habang nasa cr ka?" Nakangising sabi ni Kirsten.

"So, anong ibig niyong sabihin? Na panaginip lang yon? Hindi panaginip yon no! Kung ayaw niyong paniwalaan ang sinasabi ko na manyak ang McKinely na'yon, fine! Hindi ko kayo pipiliting maniwala sa 'kin."

"Hindi naman sa hindi kami naniniwala sayo, Jona. Nagulantang lang kami ng bongga! At syempre naiinggit kami sayo." ani Ericka.

"Oo nga, kasi diba....malayo ka sa mga babaeng type ni Harizel tapos mamanyakin ka niya?" ani Hannah.

"Siguro kasi kahit sino pinapatulan niyang, McKinley niyo."

"Grabe ka naman."

"Ang mga manyak, walang pinipili. Basta nag-init ang katawan ng mga yan, hindi ka tatantanan."


Pagkatapos ng klase namin ay pinauna ko ng umuwi ang mga kaibigan ko dahil balak ko pang magpunta sa library, may gusto kasi akong hiraming libro.

Paakyat na ako sa third floor ng masalubong ko sa hagdan si Sir Gaisler.

"Ms. Custodial." Nakangiti nitong bati sa akin. Maliit lang si sir at kakaunti nalang ang buhok nito sa ulo, marami nga ang tumatawag ditong panot at sa liit nito, nasisindak ang mga estudyante niya sa kanya dahil nakakatakot siyang magagalit.

"Mabuti nalang at nakita kita, hihingin ko sana ang tulong mo."

"Tulong po?"

Tumango siya sa akin. "Oo, nahingi ko narin ang tulong ng ibang nasa top ten na nakakuha ng mataas na score sa exam ko nitong katatapos lang ng Prelim."

"Ano po bang maitutulong ko sa inyo?"

"Gusto ko sanang i-tutor mo ang isa sa mga sampung nakakuha ng lower score sa exam."

"A sige po, wala pong problema." Education naman ang course ko kaya walang problema sa pagtuturo, mahaba ang pasensya ko.

"I want you to tutor Mr. Mckinley."

"Okay po."

Maluwang siyang ngumiti sa akin. "Maraming salamat, Ms. Custodial. Ewan ko ba kasi dun kay Harizel McKinley kung saan napupunta ang-"

"Teka po! Harizel McKinley?" Gulat kong tanong. Parang ngayon lang nag sink in sa utak ko ang pangalan ng tuturuan ko.

"Oo, si Harizel McKinley."

"Si Harizel McKinley?" Nanlalaki ang mga matang pag-uulit ko.

"Why is there something wrong? Kaaway mo ba si McKinley?"

"Ah-sige po. Pumapayag akong maging tutor niya."

"Salamat ulit, Ms Custodial. Sana magbunga ang pagtuturo mo, kapag nakakuha si Mr. Mckinley kahit kalahati lang sa exam niya sa midterm. You'll be exempted on the final exam."

"Talaga po?"

"Yup, that's if makakapasa siya."

Bigla akong naexcite dahil sa reward na matatanggap ko sa pagtuturo kay Harizel. Nawala tuloy ang pagdadalawang isip ko na turuan siya.

"Kailan ko po ba sisimulan?"

"Mamaya ang klase ko sa kanila, kakausapin ko siya and maybe tomorrow you can start teaching him."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon