Kabanata 29

12.3K 265 20
                                    

Kabanata 29
Date

----------
"Kung ako sayo, lalayuan ko na si Harizel habang maaga pa. Kasi baka dumating yung araw na pati ikaw pagsawaan narin niya. Matalino ka pa naman, Johana. Wag mong hayaang maloko ka, gamitin mo yang utak mo para sa huli, hindi mo pagsisihanan na minsan mong nakilala ang isang Harizel McKinley." Mahabang litanya ni Rebecca bago siya tumayo sa tabi ko. "Take my advice, Johana." nakangiti pa nitong sabi at saka isinubo ang kanyang lollipop at naglakad na palayo sa akin.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Rebecca at nakita kong nakasalubong niya pa ang mga kaibigan ko na kita ang pagsama ng tingin kay Rebecca.

"Jona, galing ba sayo yung impaktang yon?" Tanong ni Hannah paglapit na paglapit nila sa akin.

Ibinigay naman sa akin ni Kirsten ang isang burger, potato chips at milkshake na binili nila and then she sit at my left side.

"Anong ginawa non? Sinaktan ka'ba niya?" Tanong pa ni Hannah habang hawak niya ang kanyang milkshake at ipinamaywang ang isa niyang kamay, salubong ang mga kilay niya at nakatayo sa harapan ko.

"Hindi niya ako sinaktan. Kinausap niya lang naman ako." Sagot ko at saka ako sumipsip sa straw ng milkshake ko at muling itinuon ang atensyon ko sa pagsusulat. Malapit ko narin itong matapos.

"Anong sinabi niya?" Nag-aalang tanong naman ni Ericka na naupo sa right side ko.

"Wala yon." Sagot ko without looking at her.

"Anong wala? Did she threaten you or what? Jona, sabihin mo sa amin." Kahit hindi ako nakatingin kay Kirsten ay alam kong nagsasalubong na naman ang mga kilay niya at makikita ang tapang sa kanyang mga mata, base sa tono ng kanyang boses.

Mapait akong tumawa at saglit na itinigil muli ang pagsusulat. Nag-angat ako ng ulo at isa-isang tinignan ang mga kaibigan ko. "Ano ba kayo? Wala lang nga yon, nakipagkwentuhan lang sa akin yung tao." Pagsisinungaling ko para wala ng mabuo pang gulo.

Kung ano man ang mga sinabi ni Rebecca, hindi iyon sapat para maniwala ako sa kanya. I know that he likes, Harizel. Ramdam ko yon sa tuwing nakatingin siya kay Harizel, punong-puno ng paghanga ang makikita sa mga mata niya at hindi ko maitatanggi na ganoon din ako kung tumingin kay Harizel kaya hindi maitatanggi ni Rebecca na may gusto siya kay Harizel.

Maybe ilan sa mga sinabi niya ang totoo at ang iba ay pawang kasinungalingan lang.

Sa tuwing kasama ko si Harizel, hindi ko maramdaman na kasinungalingan lang ang ipinapakita niya sa akin. I can always feel his sincerity, everytime that he's doing something for me. Nakikita ko rin sa mga mata niya na masaya siya, na hindi siya napipilitan sa ginagawa niya. I can see his soul, his good side.

Siguro nga hindi pilyo, maloko o kung ano pa man ang nakikita ng mga tao kay Harizel, pero ibang-iba ang Harizel na kilala ng mga tao sa lalaking nagbigay ng saya sa akin, nagbigay ng kakaibang kulay at liwanag sa buhay ko. Ewan ko kung alin nga ba ang totoo kay Harizel, ewan ko kung magaling lang siyang magtago o ano, pero naniniwala akong totoo ang mga ipinapakita niya sa akin. He's not playing with me. I'm not his game.

Habang patuloy parin ako sa paggawa ng written report ko at panay naman ang kwentuhan ng mga kaibigan ko ngayon. Bigla namang tumunog ang cellphone ko na agad kong dinukot sa bulsa ko.

Na-excite ako ng makita ko sa screen ang pangalan ni Harizel kaya dali-dali kong sinagot ang tawag niya.

"Yes? What can I do for you, Mckinley?" Malumanay kong tanong sa kanya kahit na deep inside ay nagwawala na naman ang puso ko.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon