Kabanata 6

14.6K 337 20
                                    

Kabanata 6
Ironic

-----------
"Wag mong sasagutin agad yon, Hannah. Alam mo namang may history yon ng pagiging babaero." ani Kirsten habang naririto kami sa gilid ng football field. Nakaupo sa damuhan at pinanonood ang mga cheering squad na kasalukuyang nag pa-practice para sa nalalapit na cheerleading competition at para sa basketball game na magaganap.

"Of course I won't. Tayo ang grupo ng mga babaeng gumagamit ng utak. Hindi tayo magpapadala sa mga gwapo lang no. We need to see the effort."

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi ni Hannah. "Talaga? Kahit HBB pa ang manligaw sayo?" at saka ako ngumisi sa kanya.

"Ahmm...need to think about it." Kasunod ng pagkagat niya ng ibaba niyang labi.

Siniko naman siya ni Kirsten. "Hannah!" Tumatawa pa nitong saway sa kaibigan naming may pinapaboran talagang lalaki.

"Come on guys, that's HBB. Pagsisisihan mo kung hindi mo sila sinagot agad."

"At pagsisisihan mo rin kapag niloko ka nila. They are players." sabi ko naman.

"Hindi naman lahat sa kanila player. Si Aries, Humpy at Wein. I know they have no girlfriends for a month or years na yata. Marami akong naririnig na issue na girlfriend nila si ganito o si ganyan, pero mga hindi naman totoo."

"Yun na nga eh, pinipili nilang maging single, so they are free to mingle, to flirt to anyone. Sila yung mga walang responsibility at hindi takot na maglaro kasi they are not committed. They are the real player."

Napakamot ng ulo niya si Ericka. "Ayan ka naman. Ang nega mo na naman sa HBB."

Ipinaikot ko ang eyeballs ko. "Hindi ako nega. Sinasabi ko lang kung ano ang tingin at palagay ko sa kanila. Gaano niyo ba sila kakilala at kung ipagtanggol niyo sila, akala niyo naman twenty-four seven niyo silang nakakasama?"

"Fine. Ayaw naming makipagtalo sayo, Jona. Leave your opinion there, okay?" Nang-aawat na sabi ni Kirsten.

Balak ko nga sanang ikwento sa kanila ang ginawa ni Harizel sa akin kahapon at ang pag give-up ko na turuan siya, pero dahil nanghingi na siya ng tawad sa akin. Mas mabuting manahimik nalang ako, ayoko din naman mag open ng topic tungkol sa kanya dahil mangungulit na naman ang mga ito sa akin.

Pasalamat nalang nga ako sa manliligaw ni Hannah na isang IT student, kasi dahil sa kanya hindi naalala ng mga kaibigan ko na magtanong sa akin tungkol kay Harizel dahil mukhang mas interesado silang malaman ngayon ang estado ni Hannah at ng manliligaw niya.




Alas-dos na ng matapos ang huli naming subject ngayong araw. Nagtext narin si mang Solomon na nasa parking area na daw siya, pero habang palabas palang kami ng mga kaibigan ko sa classroom namin ay bumungad na sa amin ang ilan sa Half Blood Boys na si Aries, Daren at Harizel na nakatayo sa isang gilid, habang ang mga kaklase ko naman at ilang schoolmates na nakakakita sa kanila ay hindi maiwasang mapatingin at mapalingon sa kanila with their very bright smile, impit na mga tili pa nga ang maririnig mo sa kanila paglalampas sila sa mga ito.

"Oh my God! Araw-araw na yan ha!" ani Kirsten sa akin na siniko ako sa tagiliran. "At may mga gwapo pang alalay na kasama."

Lumapit sa akin si Harizel at naiwan naman sa kinatatayuan niya si Daren at Aries na nakangiting nagbubulungan habang nakatingin sa kanya.




"Sama ka sa'kin." Nakangiting sabi ni Harizel paglapit niya. Nakahalukipkip pa nga siya.

Tumaas naman ang kilay ko. "S-Saan?"

"Kakain tayo sa labas."

Nasa likod ko lang ang mga kaibigan ko kaya naririnig ko ang mga impit nilang pagtili habang kausap ko si Harizel.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon