Kabanata 27

12.5K 258 16
                                    

Kabanata 27
Program

----------
Pagkatapos naming kumain ay nakipagkwentuhan pa sa akin saglit si attorney Buenaflor. Aaminin kong gusto ko na siya ngayon, mabait naman pala kasi siya at hindi siya yung tipo ng taong seryoso kausap tulad ni daddy at mommy. Nakakahawa pa naman ang pagiging seryoso nila, mabuti na nga lang at nabawasan na ang pagiging seryoso ko ngayon, siguro dahil narin sa madalas kong pagsama kay Harizel na laging masaya.

Marunong magbato ng biro si attorney Buenaflor. Ang sabi pa niya ay madalas niya daw biruin noon ang nakababata niyang kapatid na isang taon lang ang tanda niya, at tulad niya ay isa rin daw itong babae at magkaibang-magkaiba raw ang ugali nila.

Alas otso na ng makauwi si attorney Buenaflor. Hinatid siya ni daddy at mommy sa gate habang ako naman ay umakyat na sa kwarto ko, kinuha ko ang makapal na libro na nasa ibabaw ng drawer sa gilid ng sliding door papunta sa balcony. Pagkakuha ko ng libro ay binuksan ko ang sliding door para tumambay sa balcony. Mula rito ay natatanaw ko ang pagsakay ni attorney sa sasakyan niya at ng umandar na ang kotse nito paalis ay pumasok narin sa loob ng bahay ang parents ko.

Napabuntong-hininga ako kasabay ng malakas na pag-ihip ng malamig na hangin. Naupo ako sa steel chair dito sa balcony at sinimulang basahin ang librong hawak ko.

"Hello! Mic test, mic test."

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki kaya mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at lumapit sa railing para tanawin ito.

"Uso pa ba, ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka...sino ba 'tong mukhang gago nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba."

Halos maistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkagulat ng makita ko si Harizel na may nakasabit na gitara sa balikat at inii-strum niya iyon, napansin ko pa sa dalawang gilid niya ang malalaking speaker, nasa gitna siya ng kalsada and he was looking up here. Kumakanta kahit di naman ganoon kaganda ang boses niya.

"Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw."

"Johana! Si Harizel nasa labas." Dinig kong pagtawag sa akin ni yaya Weng at ng lumingon ako sa likod ko ay naroon na siya at nakangiti.

"Hinaharana ka." aniya.

Nagmamadali kaming lumabas ng kwarto ko at kumaripas ng baba sa hagdan.

Pagbaba ko ay bumungad sa akin si daddy na masama ang tingin. "Johana, ano yung maingay dun sa labas?" tanong nito. Nakita ko naman si mommy na nakaupo sa couch at nagtatakang nakatingin sa akin.

Nginitian ko naman si daddy. "See for yourself, dad." at saka ako nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay habang si yaya Weng naman ay nakasunod sa akin.

Paglabas ko ng gate ay nakita ko ang isang matamis na ngiti kay Harizel at para bang mas lalo niya pang pinagbutihan ang ginagawa niya.

"Di ba parang isang sine, isang pelikulang romantiko...di ba't ikaw ang bidang artista at ako ang 'yong leading man sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas"

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon