Kabanata 14
Jealous----------
"Gusto mo ako na ang kumausap sa daddy mo kung bakit uuwi kang basa?"Napailing-iling ako sa tanong ni Harizel habang nagmamaneho siya.
"Wag na. Ako ng bahala doon."
"Are you sure?"
Tumango ako sa kanya. "Alam mo, dapat ang problemahin mo ay yung babaeng iniwan mo dun sa club. You promise to spend your whole night with her and I'm sorry if I ruined it."
Kahit na diretcho ang tingin ni Harizel sa daan ay napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo at pag tiim ng kanyang bagang.
"Hindi ako nangako sa kanya, Jona. Hindi ako nangangako sa mga babaeng kanina ko lang nakilala."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kanina mo lang nakilala yon?"
Tumango siya. "My promise meant for the girl that I'll bring to the altar." Sabi pa niya.
That must be a lucky girl.
Matamos ang ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Tulad ng dati, hinintay muna ni Harizel na makapasok ako sa loob bago siya tuluyang umalis.
Napalitan ng kaba ang sayang naramdaman ko kanina, pagpasok ko sa loob ng bahay namin. May naisip na akong idadahilan kay daddy, pero laking tuwa ko ng sabihin ni yaya Weng na tulog na daw si daddy at mommy. Malaki talaga ang tiwala ni daddy sa mga kaibigan ko at pagdating sa kanila ay hindi na siya nag-aabalang hintayin pa ang pagdating ko or maybe he doesn't care at all.
"Jona, ngayon ko lang yata nakita yung kotseng yon. Sino yung naghatid sayo at kanino yang jacket na yan?" Tanong ni yaya Weng habang papasok kami ng bahay. Panay pa nga ang paninitig niya sa akin.
"Yaya, wag po kayong maingay ha." May tiwala naman ako kay yaya Weng na hindi niya sasabihin kay daddy ang sasabihin.
Inakbayan ko si yaya at bahagyang yumuko para ipantay ang bibig ko sa tenga niya. "Si Harizel po ang naghatid sa akin at sa kanya po 'tong jacket na'to." Nakangiti kong bulong sa kanya.
Kumunot naman ang noo ni yaya. "At bakit ganyan ang ngiti mo?"
"Wala lang po."
"Siya nga pala, bagay pala sayo ang walang salamin at may kakaunting kolorete sa mukha. Ang ganda-ganda mo, Johana. Maganda talaga ang naidudulot ng pagsama-sama mo dyan sa mga kaibigan mo. Nalalabas ang itinatago mong ganda."
"Salamat po yaya."
"Nga pala, invited din pala si Harizel sa birthday party na pinuntahan niyo ng mga kaibigan mo?"
"Hindi po. Hindi naman po talaga kami nagpunta ng birthday party."
Nanlaki ang mga mata ni yaya Weng sa sinabi ko.
"Hindi tama ang ginawa mo, Johana. Kailan ka pa nagsinungaling sa mommy at daddy mo para magpunta sa isang club ha?" Panenermon sa akin ni yaya Weng pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang totoo.
Lumabas ako sa banyo na pinupunasan ang buhok ng maliit na tuwalya. Katatapos ko lang maligo at nakapagbihis narin ako ng pantulog. Nakaupo naman sa dulo ng kama ko si yaya.
"Yaya. That was the first time. Gusto ko lang naman pong ma-experience na maging malaya. Gawin yung mga bagay na ginagawa ng mga kaedad ko."
"Alam ko ang nararamdaman mo, Johana. Pero maling magsinungaling."
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
Fiction généraleMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...