Kabanata 45
Golf & Country Club-----------
Habang bumabyahe kami ni Harizel ay tahimik lang akong nakikinig sa isang radio station habang panay ang daldal ng isang babaeng dj. Madalas nga akong tinatamaan sa mga hugot lines na pinupukol niya, tapos titingin ako kay Harizel na seryoso namang nakatuon lang sa daan.Para akong tanga dahil minsan napapatulala nalang sa kanya, kasi naman...kahit paghawak niya ng manibela ay namamangha na ako at kakisig-kisig na sa siya sa paningin ko.
After thirty minutes ay nakarating na kami sa manila southwoods golf & country club. Ipinarada ni Harizel ang kotse niya sa parking area ng southwoods manor kung saan kami mag ii-stay.
Parang artista si Harizel ng lumabas siya ng kotse niya. He's wearing aviator glass, naka longsleeve siya na baby pink ang kulay at nakatiklop ang manggas hanggang siko, nakabukas pa ang dalawang butones 'non, cargo shorts naman ang suot niyang pang-ibaba at naka-black loafer shoes siya. Mas lalong lumakas ang dating niya sa hairstyle niyang naka spike at ang suot niyang pares ng itim na hikaw. Kanina ko pa siya nakikita pero parang hanggang ngayon ay hindi parin nag si-sync in sa utak ko na may kasama akong ganito kagwapong lalaki.
Isang bellboy ang lumapit sa amin at kinuha nito ang mga luggage namin.
"Engineer, Harizel McKinley?" Malugod na bati naman ng isa pang staff ng manor sa amin. He's wearing a black suit at may salamin, sa tantya ko ay nasa thirties palang ito.
Seryosong tumango si Harizel dito at nagpakilala naman ito sa kanya. 'Rolando Galvanitez' ang pakilala nito at ito pala ay ang hotel manager. Ipinakilala rin ako ni Harizel dito and thank God he just gave my name. Nothing more, nothing less.
Pagkatapos naming magpakilala sa isat-isa ay iginaya na kami ni Mr. Galvanitez papasok sa loob. Nagulat nga ako ng hawakan ni Harizel ang kamay ko. He intertwined our fingers at hindi ako pumalag doon because deep inside....I like it.
Isang eleganteng front desk ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa loob ng manor. High ceiling, malinis at maliwanag. Nakadagdag pa sa liwanag ng lugar ang makinis na sahig dito. Sa lobby ay may mangilan-ngilan din ang nakatambay sa mga nakahilerang armchairs doon na may mesa, kung pupwesto ka doon ay para ka lang talagang nasa living room ng isang bahay.
Si Mr. Galvanitez na ang nakipag-usap sa mga staff na nasa lobby, ipinakilala niya rin kami ni Harizel sa mga ito. Bakas pa nga sa mukha ng tatlong babaeng naroon ang tila pagkamangha habang hindi halos inaalis ang paningin nila kay Harizel, halos di na nga nila ako napansin. Pati mga ngiti nila ay hindi maalis sa kanilang mga labi. Hindi ba sumasakit ang panga ng mga 'to?
Pagkatapos kausapin ni Mr. Galvanitez ang isang babae sa front desk ay may ibinigay itong susi dito at saka kami inaya na nito na ihahatid niya kami sa kwarto namin. Sumunod naman kami sa kanya.
Sumakay kami sa elevator kasama ang bellboy na si 'Jordan' ayon sa pagkakabasa ko ng nakalagay sa kanyang pin na nakatusok sa suot niyang pulang vest uniform.
Tahimik lang kami sa elevator hanggang sa huminto ito sa third floor, ilang palapag lang naman kasi ang hotel na'to.
Naglakad kami sa hallways na napapalibutan ng glass wall kung saan natatanaw ang luntiang golf course at ilang coconut trees sa labas.
Huminto kami sa isang kwarto at binuksan iyon ni Mr. Galvanitez.
"This is the suite superior. I hope you'll enjoy your stay here, ma'am and sir."
Nangunot ang noo ko. Suite superior? Anong ibig sabihin nito? Isa lang ang kwarto namin?
"Wait! Isa lang ang kwarto namin?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
General FictionMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...