Kabanata 11
Playing-----------
"We're here." ani Harizel ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng gate namin."Thanks for the dinner. Now I know how it feels like to be on a date." nginitian ko siya at hindi kumukurap na pinakatitigan ko ang gwapo niyang mukha habang malakas na dumadagundong ang puso ko.
"It's an honored to be your date tonight, Ms. Custodial." sabi pa niya sa akn ng ngitian niya rin ako.
Nginitian ko siya ulit at saka siya bumaba ng kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto, inabot niya pa ang kamay ko ng pababa na ako.
Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa kung ituring ni Harizel. Ito ang unang beses na naramdaman ko 'to. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na may taong nagpapadama sayo na mahalaga ka.
Nag doorbell na ako pero nanatili parin si Harizel sa tabi ko.
"Why you're still here?"
Umangat ang sulok ng kanyang labi. "Bakit? Ayaw mo na ba ako sa tabi mo?"
Naalarma ako sa sinabi ko at mabilis na naghanap ng sagot sa tanong niya. "H-Hindi naman sa ganon. Bakit, balak mo pa bang pumasok sa bahay namin?"
Tumawa siya at umiling. "Nope. I just want to make sure na makakapasok ka sa bahay niyo ng safe."
Pakiramdam ko ay pinamulahan na naman ako ng pisngi sa sinabi niya. Hinaplos na naman ng mga salita niya ang puso ko.
Sabay kaming napalingon ng bumakas ang gate at inuluwa non ang isa sa mga katulong namin.
"Salamat ulit."
"Walang anuman. Goodnight, Ms. Custodial."
"Goodnight, Mr. McKinley."
Hindi ko maalis ang mga ngiti ko pagpasok ko sa bahay. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang boses ni Harizel habang sinasabi niya sa akin na mahalaga ako sa kanya, na masaya siya na nakilala niya ako. He's flowering mouth na gusto kong paniwalaan ng buong-buo, pero hindi ko parin maiwasang mag duda.
"Hindi ko gusto ang lalaking yon para sayo, Johana." Napalingon ako sa dulo ng veranda ng marinig ko ang baritonong boses ni daddy. Nakaupo siya sa armchair at naka dekwatro hanggang sa tumayo na siya doon at dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin.
"Layuan mo na ang lalaking yon."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "What are you talking about dad? Pumayag kang sumama ako sa kanya na mag dinner, then you'll tell me that you don't like him for me? What's going on with you dad?"
Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. Siya itong pumayag na sumama ako kay Harizel and now he's telling me that he don't like him? E parang kanina lang nung sinundo ako ni Harizel dito ay nakikipagtawanan pa siya rito. Hindi ko nga mabakas sa mukha niya na ayaw niya kay Harizel.
"Listen, Johana Marynette Custodial. Pinagbigyan ko lang siya na makasama ka, pero hindi ibig sabihin non ay gusto ko siya para sayo. That's why I want you to stay away from that guy from now on. Napagbigyan ko na siyang makasama kang kumain sa labas, that's enough. Ayoko ng abusado."
"You can't let me stay away from him dad, kasi siya ang tinuturuan ko."
"Then let me remind you. I don't want you to fall in love to that guy. Nakikita ko sa lalaking yon na wala kang magiging future sa kanya. Ngayon pa nga lang nahihiya na akong madawit ang pangalan mo sa lalaking yon. Utak biya ang isang yon, parang puro porma lang ang alam sa buhay. Siguradong darating ang panahon na katulad lang din siya ng mga spoiled brat dyan na hanggang ngayon, umaasa parin sa mga magulang. Mga walang kwenta."
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
Ficción GeneralMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...