Kabanata 40

13.1K 311 43
                                    

Kabanata 40
Orphanage

----------
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagpasok na pagpasok namin ni Kirsten sa kotse niya. Siya sa drivers seat at ako sa front seat.

"Okay kalang?" Tanong sa akin ni Kirsten.

Hindi ko siya inimik. Ipinikit ko lang ang mga mata ko habang nakasandal ako sa kinauupuan ko.

Bakit ba ang liit-liit ng mundo naming dalawa? Para ano? Para paulit-ulit na ipaalala sa akin ng tadhana na eto, eto yung lalaking sinayang mo na ngayon ay masaya na sa buhay niya? Ganon ba yon? Nakakapunyeta naman.

Kahit anong pilit ko sa sarili ko na wag masaktan, nasasaktan parin ako e. Kasi may pakiramdam ako, may damdamin at hindi ko kontrolado lalo na kapag masyado na akong napupuno, umaapaw.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa back seat at naramdaman ko ang pagpasok ni Ericka at Hannah.

"Saang restaurant tayo kakain?" Dinig kong tanong ni Hannah.

"Bakit ang tagal niyong pumasok?" Tanong naman ni Kirsten na nasa tono ng boses na tila ba pinagagalitan niya ang dalawa.

"Sorry naman. Tara na, kain na tayo. Tom jones na'ko."

Kumain kami sa isang restaurant malapit sa gym at nagpunta sa isang bilihan ng sasakyan, plano ko na kasi talaga na pagdating ko dito sa pinas ay bibili na ako ng sasakyan ko para hindi na ako nagpapasundo kay manong Solomon at para hindi narin ako mag commute, hassle kasi yon.

Maayos namang natapos ang araw ko. After ng nangyari kaninang umaga sa gym, wala ng drama pang nangyari. Naging abala ako sa ibang bagay at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging positibo ang lahat ng maiisip at gagawin ko and I made it. Nakabili rin ako ng sasakyan kanina sa pinuntahan namin. Isang volvo na kulay puti.

Kinabukasan ay nagpunta ako sa isang public school sa Quezon City kung saan nagtuturo ang mga kaibigan ko, nagpasa ako ng application ko doon, for teaching. Lahat ng requirements na kailangan nila ay ibinigay ko na kaya naman binigyan agad nila ako ng schedule for interview, pero dahil maraming applicant na nagpasa ng application nila ay two weeks pa ang hihintayin ko bago ang itinakdang araw ng interview ko sa kanila.

After ko magpunta ng school ay dumiretcho na ako sa isang mall para mamili ng ingredients sa lulutuin naming pagkain na ipapakain namin sa mga bata sa ampunan. Tinawagan ko nalang din si yaya Weng para tulungan akong mamili dahil kailangan ko rin bumili ng mga gatas, diapers at kung anu-ano pang kakailanganin ng mga bata doon, may mga sanggol din kasi doon.

"Hannah, tulungan mo nga kami dito!" Sigaw ni Kirsten habang pinagtutulungan naming buhatin ang ilang plastic na may mga lamang prutas at yung iba ay mga diapers, gatas, grocery, laruan at may dalawang sako pa nga ng bigas. Tumulong sa amin si manong Solomon at ang security guard naming si kuya Eduardo na buhatin ang malaking cooler na may lamang mga orange juice para sa mga bata, may lamang yelo din kasi ang mga ito kaya mabigat, sila rin ang nagbuhat ng sako ng bigas. Pinalagay namin sa likod ng pulang pajero pick up ni Hannah ang cooler. Nailagay narin naming lahat ang mga pagkain sa toyota van na gagamitin namin.

"Una ka na, Hannah." Sabi ko.

Pumasok na siya sa pick up niya at agad na ipinaandar iyon.

Dahil maraming nakapatong sa mga upuan sa likod ng van ay sa front seat naupo si Kirsten at Ericka, ako naman ang nagmaneho.

Pagdating namin sa White Cross childrens home ay agad kaming sinalubong ng ilang katiwala doon. Sila narin ang nagbuhat ng mga pagkain at iginaya kami sa activity area ng mga bata kung saan daw madalas maganap ang mga programs na dinaraos dito.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon