Kabanata 38

12.4K 293 29
                                    

Kabanata 38
Drink to forget

----------
Pagkatapos naming kumain at maglibot-libot sa Venice Piazza. Nag-aya na akong umuwi dahil ramdam ko na ang pagod, inaantok narin ako. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos sa eroplano. Paputol-putol na nga ay halos dalawang oras lang yata ang naitulog ko at dahil yon sa excitement ko.

Dahil may binili lang saglit si mommy at yaya ay hinintay muna namin sila. Tumayo lang muna ako sa tapat ng pintuan ng van sa may left side, habang si daddy naman ay nasa kabilang gilid at naninigarilyo, si manong Solomon naman ay nasa loob lang ng van at naghihintay. Nauna ng umalis sa amin ang mga kaibigan ko dahil may mga kailangan pa raw silang gawin, syempre mga huwarang guro na sila ngayon. Hintayin lang nila at magiging teacher narin ako.

Habang kinakalikot ko ang cellphone ko ay napukaw ako ng isang nakakadalang halakhak ng isang bata. Nag-angat ako ng tingin at inilibot ko ang paningin ko sa paligid, hanggang sa mapatingin ako sa kahilera naming puting fortuner, dalawang audi ang pagitan namin. Dahil di ganoon kalayo sa amin ang sasakyan ay napansin ko agad na yung kaninang pamilya na nakita ko ang naroon, yung may lalaki na kalikod ni Harizel.

Kasalukuyan na namang nakatalikod sa akin ang lalaki habang nakikipagharutan siya sa batang kasama niya, na mas lalong tumitindi ang hinala ko na anak niya ito.

Kasalukuyang kinikiliti nung lalaki yung batang lalaki. Tawa ng tawa ang bata at hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. Nakakatuwa at nakakadala kasi yung tawa ng bata.

"Tama na yan, pasok na sa loob." Sabi nung babaeng nakapulang dress na body hugging kaya kitang-kita ang magandang kurba ng katawan nito. She's tall, hindi nagkakalayo ang height nila ni Mr. Sexy back. Binuhat ng lalaki papasok ng van ang batang kasama nito at mas napansin ko naman ang ganda ng babaeng kasama nito. Tisay ito at mukhang may dugong banyaga dahil sa kanyang facial features and seriously...They look so perfect.

"God! You're so heavy, man." Dinig kong daing nung lalaki sa bata na nagpawala ng ngiti ko at nagpabilis ng pintig ng puso ko ng marinig ko ang boses ng lalaking nakatalikod. His voice sounds familiar.

"Quit eating alot, little man. Try to lose some weight. Jeez! Kasing bigat mo na yata yung barbell na binubuhat ko."

Nakangiting ipinatong naman ng babae sa balikat ng lalaki ang mga kamay nito, magkaharapan sila ngayon, pagkatapos buhatin ng lalaki papasok sa kotse ang batang lalaki.

"Honey, he's still a kid that's natural. Ikaw talaga." Malambing at nakangiting sabi ng babae dito.

"Yeah, yeah whatever." Tila sumusukong sabi naman ng lalaki.

Napalunok ako ng hinapit ng lalaki ang babae sa baywang nito, nakita ko pang napakagat ng ibaba niyang labi ang babae.

Damn! Bakit ba ako nanonood ng landian ng mag-asawang 'to?

But there's a part of me, telling me to keep my eyes on them because there's something I need to see?

Isinide-view ng lalaki ang mukha nito kasabay ng dahan-dahan niyang pagliyad sa babaeng kasama niya at dahil hindi sila ganoon kalayo. Nabanaag ko ang itsura nito at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makilala ko siya.

Unti-unting nanghina ang tuhod ko. Napahawak ako ng dibdib ko na tila ba may tumutusok dito. Tila bumabalik ang sakit na naramdaman ko noon.

That high pointed nose, perfectly sculpted jawline, long eyelashes at pouty lips. There's only one guy I know, that can handle that features perfectly.

Kitang-kita ang pag-angat ng isang sulok ng kanyang labi na ramdam kong punong-puno ng kapilyuhan. Then suddenly, he crashed his lips on her.

Halos matumba naman ako sa kinatatayuan ko ng makita ko yon and still I have this gut to continue watching them, even if my heart breaking into a million pieces. Mas masakit ito noon, mas masakit kasi ngayon kitang-kita ng dalawa kong mga mata na may kahalikan siyang iba.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon