Kabanata 1

18.1K 364 68
                                    

Kabanata 1
Manyak

----------

"Congrats, Jona! Ang galing mo talaga." bati sa akin ni Kirsten.

Napangiti nalang ako sa kanya at saka ko muling tinignan ang pangalan ko sa bulletin board kung saan ipinost doon ni sir Geisler na professor namin sa math, ang pangalan ng lahat ng kumuha ng exam sa kanya and I'm so proud to say that out of his hundred students ay ako ang nag rank number one. Ako ang pinaka mataas sa exam namin.Sa lahat ng estudyante ni sir ay ako lang ang nakakuha ng perfect score. Lahat talaga ng estudyante niya which mean, lahat ng section na hinahawakan niya in different courses.

"My God! Kasama sa bottom ten si Harizel, Daren at Neil. Kawawa naman ang mga boyfie natin." ani Ericka.

Pinasadahan ko ng tingin ang sampung pangalang nasa pinakaibaba ng papel. Simula sa ninety, hanggang one hundred.

Sa ninety ay naroon ang pangalang Rayneil M. De lazar o mas kilala bilang si Neil. Sa ninety four naman si Harizel John A. McKinley at nasa ninety six si Daren Russel G. Wright.

Mga naturingan silang heartthrob ng university na'to. Mahihina naman pala ang utak, puro papogi lang ang alam, magaling magpakilig ng babae, pero mahina sa exam. Nakakahiya sila.

Napailing-iling nalang ako bago ako umalis sa harap ng bulletin board.

"Kawawa naman mga boyfriend natin. Gusto ko tuloy mag volunteer na i-tuitor sila. Kahit walang bayad, keribells lang." ani Ericka habang naglalakad kami papunta sa building kung saan naroon ang classroom namin para sa next subject naming English 102.

"Kasi naman yung mga lalaking yon, wala yatang alam kung di ang magpapogi ng magpapogi. Anong mapapala mo sa pogi kung wala namang uta--Aray!"

Napadaing ako dahil hinampas ako sa braso ng mabigat na kamay ni Kirsten.

"Wag mo ngang iniisulto ang mga boyfriend namin!" inis niyang sabi.

"Hindi ko sila iniinsulto, I'm just telling the truth and the truth is, yung mga boyfriend niyo...they're brainless."

"Ang sama mo, Jona! Di ka na kagandahan, ganyan pa ang ugali mo." Sabi naman ni Hannah.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at napatakip naman siya ng bibig niya ng mapagtanto niya ang salitang lumabas sa bibig niya.

"Oo hindi ako maganda, pero atleast may utak ako."

Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Hannah kaya mabilis akong naglakad palayo sa kanila. Oo, hindi ako maganda alam ko 'yon. Masakit lang na narinig kong nanggaling yon sa kaibigan ko.

Madalas kaming mag-asarang 'Panget' na magkakaibigan, pero iba ngayon. Hindi kami nag-aasaran. Niri-real talk niya 'ko.

"Jona! Wait! Sorry...I didn't mean to say it." Dinig kong sabi ni Hannah naramdaman ko pang hinawakan niya ako sa balikat.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko sila.

Mapait kong nginitian si Hannah. "Pero yun yung gustong sabihin ng utak mo na iniiwasang bigkasin ng bibig mo, you didn't mean to say it but you did. I know, tanggap kong hindi ako maganda."

"Tama na yan! Magkakaibigan tayo, wag naman kayong mag-away. Maliit lang na bagay pinagtatalunan niyo, pinalalaki niyo pa. Tara na nga!" Ikinawit ni Kirsten ang kamay niya sa braso ko para lambingin ako, kaso ay medyo nasaktan talaga ako sa pang ri-real talk ni Hannah.

Ganito yata ang pinalaki ng dalawang abugado, yung marami akong rules na sinusunod mula sa kanila, buong buhay ko nakulong ako sa mga rules na'yon, isang trahedya pa ang dumating sa buhay namin. Kaya hindi biro ang mga pinagdaanan ko. Seryoso akong tao, kaya pati maliliit na bagay sineseryoso ko.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon