Kabanata 36

12.2K 266 12
                                    

Kabanata 36
Bookstore

-----------
It's eight o'clock in the morning at katatapos ko lang magbihis. Humarap ako sa malaking salamin na nasa kaliwang bahagi ng two doors cabinet ko. Habang nakaharap ako sa salamin ay pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. Denim pants, three-fourth blouse na pinatungan ko ng itim na coat ang sinuot ko and then I wear my new black combat shoes. After checking my outfit ay naupo naman ako sa harap ng isa ko pang salamin, kung saan ako naglalagay ng make up. Dahan-dahan kong inilapat at ipinadulas ang red matte lipstick sa labi ko and then I pout my lips at humalik sa hangin. Naglagay din ako ng mascara at eyeliner at saka ko inayos ang kilay ko, kaunting blush on and finally I'm done.

"Alis na po ako." Paalam ko ng makalabas ako ng kwarto ko at isinukbit sa balikat ko ang aking shoulder bag.

"Johana, have you had your breakfast?" Tanong ni grandpa na kinakausap nga ako pero nasa dyaryong binabasa naman niya ang kanyang atensyon. Nakaupo siya sa couch sa living room at nakadekwatro. Naka bukas ang tv pero hindi naman siya nanonood.

Walang kamalay-malay si grandpa ng lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kaliwang pisngi niya.

Dahil sa ginawa ko ay 'tsaka niya lang naituon ang pansin sa akin. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nginitian ako.

"Bye, grandpa. Sa office nalang po ako kakain ng breakfast."

"But your grandma made a breakfast for you."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni grandpa at nagmamadali na akong naglakad palabas ng bahay.

"I have to go, grandpa." Paalam ko ulit ng hindi ko siya nililingon, hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng bahay.

Paglabas ko ay bumungad sa akin si grandma sa may porch. Nakaupo siya sa kanyang rocking chair at napatigil sa paggagantsilyo ng makita ako. She flashed me a big smile. Naaalala ko sa mga ngiti ni grandma ang ngiti ni mommy.

I miss her too. Ilang buwan ko na kasi siyang hindi nakikita.

"O, aalis ka na? Nagustuhan mo ba ang ginawa kong tuna sandwich at pancake? Ikaw lang ang pinaghanda ko ng breakfast. Maaga kasing umalis ang tito Aleman mo at wala namang ganang kumain ang grandpa mo dahil nabusog sa ilang tasang kape na ininom niya."

Napanguso ako at bigla akong nakonsensya dahil hindi ko man lang nagawang tikman ang pagkaing hinanda niya para sa akin. Minsan lang mag handa ng pagkain si grandma sa kadahilanang hindi siya marunong magluto. Si grandpa ang cook namin parati at madalas naman kaming kumain sa labas o kaya ay magpadeliver kapag tinatamad magluto.

Hindi ko pa natikman ang luto ni grandma but grandpa said that it wasn't that awful at edible naman daw ang niluluto niya kahit papaano dahil marunong na daw ito ng kaunti.

Darn. I'm gonna waste grandma's effort at paniguradong magtatampo siya sa akin.

"Ahm, grandma. Kailangan ko na po kasing umalis kaya hindi ko na po makakain yung breakfast na ginawa niyo." Mahina kong sabi sa kanya.

Nakita kong kumunot ang noo ni grandma at tumayo siya sa kinauupuan niya.

"So, you don't want to eat the breakfast that I especially made for you?" May himig ng pagtatampo sa boses niya.

"Hindi naman sa ganon, grandma..."

"Porket hindi ako magaling magluto, babalewalain mo na ang pagkain kong hinanda para sayo."

"Grandma." Eto na nga ba ang sinasabi ko e.

"Sige na, umalis ka na. Mag breakfast ka na sa labas kung gusto mo."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon