Kabanata 13

12.1K 289 19
                                    

Kabanata 13
Number Eight

---------
Pagpasok namin sa loob ng Astropia na mas tamang sabihing isang nightclub. Naamoy ko agad ang pinaghalong sigarilyo at alak dito sa loob. Bumungad din sa amin ang trance music na dumadagundong sa buong paligid. Pink ang sumasakop na liwanag sa buong sulok ng club at sumasabay naman sa nakakaindak na tugtog ang mga kulay na asul, berde at pula.

Nakikita ko ang dj na lalaki sa gilid ng stage na mukhang abala sa paghahalo ng mga musikang pinatutugtog niya.

Tumingala pa ako at nakita kong may itaas pa ang club na ito kung saan may mga nakadungaw doon na may mga hawak na bote ng alak at nakangiting pinanonood ang mga sumasayaw sa dance floor dito sa ibaba.



Habang naghahanap kami ng mauupuan ng mga kaibigan ko ay naririnig ko ang hiyawan ng mga nasa dance floor at ang mga tawanan ng mga nasa lounging area.

Napapakapit pa nga ako ng mahigpit kay Kirsten dahil sa mga malalagkit na tinging ipinupukol sa akin ng ilang lalaking nakakasalubong namin.

Binundol ako ng kaba ng may makabunggo naman akong isang lalaking lasing.

"Sorry, baby." anito habang nakangisi siya sa akin.

Hilaw ko siyang ngitian. "O-Okay lang."

Napalingon ako sa harapan ko at lalo akong kinabahan ng hindi ko na makita ang mga kaibigan ko. God! Where are they?

"Would you mind if I ask you your name?"

Tanong ng lalaki sa akin. Lasing na talaga ang isang 'to dahil pungay na pungay na ang mga mata niya at namamaos na ang boses niya.

"Ah, sorry but I'm with my friends. I have to go."

Akmang iiwan ko na ang lalaki ng bigla niya akong hawakan ng mahigpit sa braso ko.

sumalubong ang mga kilay ko. "Get off me!"

"Just tell me your name, baby."

"Please, let me go!" Pilit kong kinikuha ang braso ko sa pagkakahawak niya but he's too strong.

Nakita kong unti-unting naningkit ang mga mata ng lalaki sa akin. "Alam mo, gusto ko yung mga katulad mo. Hard to get." ngumisi ito ng nakakaloko at saka niya ako hinila. "Whether you like it or not, sasayaw tayo." sabi pa nito.

Ang malas ko naman. Unang beses ko palang na pumunta sa ganitong lugar, naka-encounter na ako ng ganitong tao.

Gusto ko ng sumigaw at humingi ng tulong pero hindi ko magawa. Ayokong masira ng lalaking 'to ang saglit na kalayaang gusto kong maexperience ngayon. Kaya nagpatianod nalang ako sa panghihila niya.



"Hey!"

Unti-unting akong nilubayan ng kaba ng makita ko si Harizel na humarang sa daraanan namin. Masama ang tingin niya sa lalaki na para bang ano mang sandali ay bibigwasan niya na ito. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at nangunot ang noo niya ng ipasada niya ang tingin niya sa akin. Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin dahil ibinalik niya agad iyon sa lalaking nakahawak parin sa braso ko.

"What the hell are you doing to my girlfriend?" Girlfriend?

Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla niyang kunin ang kamay ko na hawak ng lalaki at hinila niya ako at saka inilagay sa likuran niya.

Napakapit ako sa braso niya at parang batang nagtago sa likuran niya. Nang dumikit ang tungki ng ilong ko sa tela ng suot niyang longsleeve ay naamoy ko ang matapang niyang pabango na hindi masakit sa ilong, that was actually the sexiest scent that I smelled.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon