Kabanata 19

12.7K 279 12
                                    

Kabanata 19
Hangover

----------
Hindi kumukurap na nakatitig lang ako kay Harizel habang dahan-dahan niya akong inaalalayan sa pagtayo. Nakita ko pa ngang umigting ang kanyang mga panga at halos tumagos sa kaibuturan ng pagkatao ko ang matalim na mga tinging ipinupukol niya sa akin.

Siya pa ang may gana na tignan ako ng ganyan, bakit? Dahil hindi ko sinunod ang kagustuhan niyang wag akong pumunta rito? Manhid ba siya o tanga at hindi siya aware na siya itong gumagawa ng mali. I'm the one who supposed to be mad. God! Nililigawan niya palang ako ay niloloko niya na ako. Niloloko dahil may iba siyang kasamang babae dito.

"Diba ang sabi ko wag kang pupunta dito." Madiin na sabi niya sa akin ng maibalanse ko na ang sarili ko sa pagtayo though medyo nanginginig pa ang tuhod ko sa pag-ikot ng paningin ko dahil sa ilang shot ng rum na nainom ko.

Hindi ko siya pinansin at iginala ko nalang ang mga mata ko para hanapin ang mga kaibigan ko, pero hindi ko sila makita. Damn! Why they left me with him?

"Jona, bakit ka pumunta dito?" Natuon muli ang pansin ko kay Harizel ng hawakan niya ang magkabila kong braso.

Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ng pag-alis ko ng mga kamay niya at ipinagkrus ko ang mga braso ko at saka ko siya pinagtaasan ng kilay. "Ano bang pakealam mo kung gusto kong pumunta dito? Kaya naman pala ayaw mo kong papuntahin dito kasi," huminto ako sa pagsasalita at binalingan ko ang babaeng nakaupo sa tabi ng kinauupuan niya kanina. "May kasama kang ibang babae."

Sinundan ni Harizel ang tingin ko at nakakunot ang noo niya ng muling magkatapat ang paningin namin.

"Jona, that's not what you think. I'm not with her." maang niya. Oh come on, I'm not an idiot you can't fool me.

"Wag ka ng magkaila dyan! Huling-huli ka na, nag de-deny ka pa. Fine! Do whatever you want and I'll do what I want too. Magsama kayong dalawa at magsasayaw nalang ako hanggang sa mapagod ako." Tinalikuran ko siya at humakbang na palayo sa kanya kahit na medyo umiikot na talaga ang paningin ko.

"Dito ka lang." maawtoridad na pagpigil niya sa akin. naramdaman ko pa nga ang paghawak niya sa pulsuhan ko.

Nilingon ko siya. "Bitawan mo ko, Harizel! You're not my dad so stop acting like one!" Singhal ko na hindi naman nakaeskandalo dahil sa malakas na tugtugan dito sa loob, normal na nga yata sa mga tao dito ang magsigawan para magkaintindihan.

Ang lakas ng loob ng lalaking 'to na diktahan ako sa dapat at hindi ko dapat gawin. Akala mo kung sinong magaling e ayaw lang naman niyang masira ang gabi niyang malaya siyang makakapagpasikat sa ibat-ibang babae dito. That's the reason why he's getting mad at me, right?

Nanikip ang dibdib ko sa isipang masaya siyang nakikipagtawanan, umiinom at sumasayaw kasama ang ibat-ibang babae dito. Pakiramdam ko ay may kung anong pumipiga sa dibdib ko at dama ko narin ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko sa mga luhang nagbabadyang tumulo dito.

"Let me go, Harizel!"

Nanigas ako ng bigla niya akong hinapit sa baywang at saka kinabig paharap sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang pagdikit ng katawan namin sa isat-isa.

Sa muling pagtatama ng mga mata naming dalawa ay ramdam ko ang babala sa mga titig niya. "Magpumiglas ka pa, Jona. Hahalikan kita at sinisigurado kong kakapusin ka ng hininga." Namamaos niyang sabi. Ayan na naman siya sa mga babala niyang ganyan.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon