Kabanata 33
Cheat----------
"Dyan ka lang Johana. Ako na ang mag e-excuse kay Harizel." ani Alyssa na naglakad na sa hallway dito sa second floor ng engineering building. Nasa dulo ang classroom nila Harizel sa may left side at nasa right side naman ako ngayon nakapwesto. Sa tapat ng unang palapag ng hagdan paakyat ng rooftop dito na off limit. Tahimik sa bahaging ito dahil mga nagkaklase ang lahat.
Sa side ko ay may isang malaking bintana kung saan ako nakadungaw ngayon at natatanaw ko ang malawak na football field. Sinulyapan ko si Rebecca na nakaupo sa unang baitang ng hagdan na nasa tapat namin at nakatukod ang siko niya sa isa niyang tuhod at nakapangalumbaba siya.
Hindi ko akalain na darating ang araw na'to na tila ba si Rebecca ang magiging kakampi ko, na magsasama kami sa isang lugar ng hindi nag-aaway. Dahil sa mga oras na ito, si Harizel ang kalaban, si Harizel ang masama.
"Nalulungkot ako para sayo, Johana. Ang sama-sama talaga niyang si Harizel, pati mga babaeng katulad mo na walang kamuang-muang sa katarantaduhan niya, dinadamay niya. Kapag nakausap mo siya, sabihin mo lahat ng nararamdaman mo at wag na wag kang magpapalinlang sa mga sasabihin niyang rason, ganyan naman siya kahit bistado mo ng ginagago ka niya, lulusot at lulusot parin siya. Matalino ka, Johana, wag mong hayaang malusutan ka niya."
Tumango ako sa sinabi niya at napahawak ako sa dibdib ko. Isipin ko palang na pinaglalaruan nga lang ako ni Harizel ay tila may kung anong bagay na ang pumipiga tumutusog at dumudurog sa puso ko na tumatagos hanggang kaluluwa ko.
"Ayan na siya."
Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Rebecca at nakita ko nga si Harizel na nasa likuran ni Alyssa. Kitang-kita sa mukha ni Harizel ang pagtataka habang naglalakad sila ni Alyssa palapit sa amin.
"Iwan na namin kayo, Johana." paalam sa akin ni Rebecca na tinapik ako sa balikat. Tumango naman ako at sinundan ko sila ng tingin ni Alyssa, hanggang sa makababa sila ng hagdan. Nang hindi ko na sila makita ay ibinaling ko na ang atensyon ko kay Harizel na matiim na nakatingin sa akin.
"Close na pala kayong tatlo?" May sarkastikong tanong niya, pero seryoso ang nababanaag kong ekspresyon sa mukha niya. Lumapit pa siya sa akin. "May problema ba?" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inangat ito para magtama ang tingin naming dalawa.
"Johana, tell me. What's wrong? Hindi mo ko pupuntahan dito ng wala kang dahilan at kasama mo pa si Rebecca at Alyssa."
Inalis ko ang mga kamay niyang nasa mukha ko at saka ako nagsalita. "Harizel, alam mo. Pangarap ko na may lalaking darating sa buhay ko, gagawin ang lahat ng bagay na pinapangarap ko ng hindi ko sinasabi sa kanya, yun bang gagawin niya ang mga bagay na'yon dahil yon ang pakiramdam niyang gusto ko, yun ang nakasulat sa tadhana, that's why I made a list, yung list na yon...naglagay ako doon ng sampung bagay na dapat gawin sa akin ng isang lalaki para mapatunayan kong siya nga talaga talaga ang lalaking hinahanap ko. Ang lalaking talagang para sa akin."
Napansin ko ang sunud-sunod na paglunok at pagtitiim bagang ni Harizel habang tahimik siyang nakikinig sa akin.
"Sabi ko sa sarili ko, kapag nagawa ng lalaking yon ang lahat ng nasa list ko. Hindi ko na siya pakakawalan kasi naniniwala ako na siya yung lalaking itinakda para sa akin. Imagine, gagawin niya lahat ng nasa list ko ng hindi ko sinasabi sa kanya. Nakakamangha kapag nagawa niyang lahat yon diba? At hindi na kataka-takang siya na nga ang lalaking hinahanap ko."
Naikuyom ko ang mga labi ko at unti-unti ko ng nararamdaman ang nagbabadyang mga luhang gusto ng bumagsak sa mga mata ko.
Hindi parin umiimik si Harizel pero nakikita ko sa mga mata niyang natetensyon siya.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
General FictionMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...