Kabanata 15

13.1K 293 19
                                    

Kabanata 15
Thank You

----------
Dahan-dahan kong kinuha kay Harizel ang ibinibigay niya sa aking ice-cream.

"Sana hindi ka na magalit. May nabasa kasi ako nun na kapag daw galit sa'yo ang isang babae o kaya naman malungkot siya. Dapat daw bigyan mo ng ice cream para lumamig yung ulo niya at maging masaya siya. Ice cream, malamig na masarap pa." nakangiting sabi niya sa akin, kinindatan niya pa nga ako. "So, bati na ba tayo?"

Dumila ako sa ice cream pagkatapos ay umirap ako kay Harizel at tinalikuran na siya tsaka nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

"Hey! Galit ka parin? Jona naman!"

"Uwi na tayo." malamig kong pag-aaya sa kanya.

"Basta, hindi ka na galit?"

"Oo na. Para kang bata, Harizel. Hindi bagay sayo."

"Ikaw e."





Pagdating na pagdating ko sa bahay pagkatapos akong ihatid ni Harizel sa amin. Nagmamadali akong nagpunta sa kwarto ko at kinuha ang notebook kong green na nasa drawer ng study table ko. Agad kong nilagyan ng tsek ang number nine sa ten things to get me list ko.

Tatlo na. Tatlo na ang nagagawa ni Harizel.

Harizel, ikaw na ba ang hinahanap ko? Makukumpleto mo kaya ang mga to o aasa nalang ako? Pero bakit ako aasa? There's no hope with him, because he's too impossible.








"Apple or banana?"

Napangiti ako sa tanong ni Harizel.

"Syempre, apple."

"Bakit? Ang sarap kaya ng saging. Lahat ng uri ng saging." Itinaas-taas niya pa ang kilay niya habang nakangisi at nakaupo kami sa high stool sa tabi ng island counter at kumakain kami ng merienda dito sa kitchen. Gumawa ako ng banana shake at tuna sandwich.

"Mas gusto ko ang apple e. Mabango pa."

"Mabango rin naman ang saging ha?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit ba pinagpipilitan mo sa'kin ang saging? Sayo na yon, saksak mo pa sa baga mo."

"Apple din naman ang favorite ko. Sinasuggest ko lang sayo ang saging kasi mas appropriate sayo yon."

Mas lalo yatang nangunot ang noo ko sa sinabi niya. I don't get him "Appropriate-appropriate ka dyan! A basta, apple ang gusto ko."

Bakit ba tuwing nag-uusap kami ni Harizel, hindi namin maiwasang di magkasundo? Katatapos ko lang magturo sa kanya, huling araw na namin to at maaga kaming natapos dahil gusto ni Harizel na makapag bonding kami without complicated math problems, but here we are starting to argue. Again.

"Enough with the apple and banana. Ikaw, what do you want? Beautiful or smart?"

Sumimsim muna si Harizel ng banana shake sa basong hawak niya. "Both." aniya pakatapos niyang lumagok.

"Hindi pwede both. Isa lang dapat."

"But you're both."

"Huh?"

"I mean, anong magagawa ko kung yung taong gusto ko, maganda at matalino?"

"Isa nga lang kasi. Ano yung mas gusto mo?"

Humalukipkip siya at idinampi niya sa labi niya ang kanyang hinlalaking daliri. "Well...I like sexy and beautiful girls." Napalunok ako ng titigan niya ako. Umiwas naman agad ako ng tingin sa kanya at kinagat yung tuna sandwich ko.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon