Kabanata 8

13.2K 299 7
                                    

Kabanata 8
The list

----------

Paglabas namin ni Harizel sa boys locker room ay may ilang lalaking nakasalubong namin. Binati ng mga ito si Harizel pero hindi niya pinansin ang mga ito. Napatingin din sila sa akin na tila may halong pagtataka sa mga mata nila.

Sino nga bang hindi magtataka na nakakasalubong sila ng isang babae papunta sa locker room nila? Pero hindi ko na inintindi pa ang iisipin nila, mas nilalamon ng isip ko ngayon ang mga ginawa ni Harizel kanina.

Niyakap niya ako? God! He he gave me a back hug and it's on my list na halos makalimutan ko na, but now para bang unti-unting lumilinaw sa isipan ko ang lahat ng naroon.

Huminto sa paglalakad niya si Harizel at humarap siya sa akin. Seryoso ang mukha niya. "You can go back now." iyon lang ang sinabi niya at muli na niya akong tinalikuran at naglakad palayo sa akin.

Bakit parang ang lamig ng pagkakasabi niya non? Bakit parang biglang nagbago ang mood niya?


"Harizel, wait!"

Bumilis ang bawat hakbang niya. Hindi ko alam kung nagmamadali ba siya o sadyang hindi niya lang ako narinig kaya hindi niya man lang ako nilingon.

There's really something wrong on him.


Habang naglalakad ako sa hallway ay halos lumubog na ang ulo ko sa sahig dahil sa kakayuko sa kadahilanang panay ang titig sa akin ng mga schoolmate kong nasasalubong ko. They are looking at my t-shirt.

Kilala ba nilang kay Harizel 'to or it's just because of the number.? Ang sabi kasi ni Harizel ay jersey number niya daw ito at siguradong marami ang nakakaalam nun kaya baka iniisip nila na eight means Harizel.

But for Christ's sake! Ang dami namang t-shirt na may number eight na nakatatak.


Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng taas noo at binalewa ang mga tumitingin sa akin.

"Oh my God! She's wearing his shirt."

Dinig kong sabi ng isang babae sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita ko siyang nakikipag-usap sa dalawa nitong kaibigan na nakatingin din sa akin at para bang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila.

"Geez! She's wearing Harizel's shirt! How did it happened?" Dinig ko pang sabi ng ibang nasa paligid ko.

How did they know that I'm wearing his shirt? Madalas niya ba itong isuot?


Nang matanaw ko na ang classroom namin ay nagmamadali akong pumasok doon at pabagsak na naupo sa upuan ko. Napabuga pa nga ako ng malalim na hininga.

"Thank God!" Pikit mata kong sabi.

"Johana Custodial."

Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Kirsten. Tumaaas naman ang isa kong kilay ng bumungad sa akin ang kaibigan kong nakatayo sa harapan ko at nakapamaywang habang naniningkit ang kanyang mga mata.

"Saan kayo nagpunta?"

Napalingon naman ako sa left side ko ng marinig ko ang may diing tanong ni Hannah.

"At ano ang ginawa niyo?"

Sa right side ko naman ay naroon si Ericka. My friends are intensely looking at me. Eto na naman sila sa pang i-interrogate sa akin.

"Ano ba naman yang mga tanong niyo?"

Dinuro ako ni Kirsten at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon