Kabanata 10

14.6K 336 31
                                    

Kabanata 10
Date

----------
"I don't know. I really don't know. But I'm scared, I'm scared of losing you."

Hindi ko na naman alam ang itutugon ko sa mga sinasabi ni Harizel. Pakiramdam ko nga ay tinakasan ako ng pag-iisip ko at tila lumipad ito sa kung saan. Ayan na naman kasi ang mga salitaan niyang mahirap intindihin.

Every single words that comes out of his mouth is like a bomb that exploding on my system. Masarap pakinggan, nakakatakot namang paniwalaan.

Ayokong mag conclude o mag assume sa mga sinasabi niya. Maybe this is just a trap.


"I can't."

Kumunot ang noo ni Harizel. "I can't? I can't what?"

"I can't go with you." wika ko ng makabawi ako mula sa panandaliang pagliwaliw ng kaisipan ko sa kung saan.

Puno ng pagkadismayado ang mukha ni Harizel sa sinabi ko, nag tiim pa nga ang mga bagang niya. "Ganyan ka ba talaga kagalit sa'kin?" Tila nadudurog ang puso ko sa tono ng boses niya at sa mukhang ipinapakita niya sa akin.

I can't dahil hindi naman ako papayagan ni daddy at mommy. I have to be home after class at hindi dapat ako pumupunta pa kung saan. That's one of their rules and I can't break that, ayokong gumawa ng bagay na ikagagalit nila dahil sigurado akong mas lalo silang mawawala sa akin sa oras na sawayin ko sila sa mga simple nilang utos.

"Oo na. Naiintindihan na kita, Harizel. Hindi lang talaga ako pwede. Kailangan ko ng umuwi dahil pagabi na. Siguradong pauwi narin si daddy at mommy. I'm not allowed to go anywhere after school, except when I'm with my friends."

Malaki ang tiwala ni mommy at daddy sa mga kaibigan ko, madalas silang nagpupunta sa bahay at mag sleep over sa amin kaya okay lang sa kanila kung sila ang kasama ko kung gusto ko mang gumala. Close din kasi sila kay mommy at daddy.

"Kaibigan mo naman ako huh?" ani Harizel na nasa himig ang tila pasimpleng pamimilit..

"Boys are not acceptable. Don't you get it? I'm not allowed to go out with a boy."

Umawang ang bibig niya at napatango-tango. "Oh I get now."

"I gotta go" at saka ako tuluyan ng naglakad palayo sa kanya.



Paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Harizel kanina. Hindi ko talaga siya maintindihan, gusto kong isipin na sinasabi niya sa akin ang mga yon dahil mahalaga ako sa kanya, pero napapatanong parin ako kung bakit? Ayokong rin naman mag assume ng kung ano, because assuming is disappointing.

Well, siguro ayaw niya akong mawala sa kanya dahil kapag nawala ako, wala ng magtitiis na magturo sa kanya at tuluyan siyang babagsak kay Mr. Geisler. Tama! Siguro nga ayaw niya lang akong mawala dahil kailangan niya pa ako.

At sa totoo lang, hindi magawang paniwalaan ng damdamin ko ang nasa isip ko ngayon.


"Johana."

Nawala ako sa malalim kong pag-iisip ng tawagin ako ni yaya Weng.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya ng buksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

"Palagay ko kailangan mong malaman ang nangyayari ngayon sa ibaba."

Napakunot ang noo ko. "Bakit? Ano pong nangyayari?"

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon