LORENZ
"Fuck this! I cant believe it! She's really stupid of choosing that man over me. She's a liar, a two-timer and oh, of course a cheater," galit na sabi ko sa sarili habang naglalakad pauwi. "Hah! Asa naman syang iiyakan ko siya. She's not even worth it." Pagmamaktol ko pa.
"Buhay nga naman, kung sino pa 'yong mga seryosong tao, kami pa ang naloloko," pagsesenti ko pa habang sinisipa yong mga batong nakaharang sa daraanan ko. Kung may makakakita sakin ay iisipin siguro na nasisiraan na ko ng ulo dahil nagsasalitang mag-isa. "Manloloko siya! At ako namang si uto-uto eh nagpaloko naman. Badtrip tala--" Tinakpan ko yong tenga ko nang may dumaan na tatlong magkakasunod na motor. "Bwisit na yan! Istorbo sa pagsesenti ko!"
Patuloy lang akong naglalakad habang nakabusangot pa rin ang mukha. Nagulat nalang ako nang may biglang humawak ng kamay ko at kinaladkad ako bigla. Isang babaeng nakajacket, naka cap at may nakakabit na posas sa isang kamay.
"Hey! Hey! Who are you?"
Patuloy niya parin akong kinaladkad ng hindi man lang sumasagot. Papasok na kami sa isang iskenita para palabas sa kabilang daan. "Hey woman, let go of my hand!" Parang wala parin siyang naririnig."What the heck! Are you deaf, mute or what?" Nagulat ako nang may hawak pala siyang baril at tinutukan ako. Itinaas ko naman ang mga kamay ko na parang, 'holdap to!'.
"Yan, tumahimik ka!" Ipinosas niya ang isang kamay ko sa may posas niyang kamay. Nakaposas na ang kamay namin sa isa't isa. "Putragis!" Hinila niya ako sa isang tagong parte ng kalsada at nagtago kaming dalawa nang dumaan ulit ang grupo ng naka-motor kanina. Sumandal sa pader at sinulyapan niya ako habang nakalagay ang hintuturo sa labi, hudyat na pinatatahamik ako.
'Oh God! Kriminal pa yata tong babaeng to'
"Bwisit na yon ang tagal umalis," aniya. Tinignan niya ako ng nakakunot ang noo na parang pinag-aaralan ang kabuuan ko habang patango tango pa.
"B-Bakit?"
"Pwede na," sabi niya na parang wala na siyang choice. Sh*t, kidnap for ransom pa yata 'to. Nagpalinga linga ako sa paligid baka sakaling may dumaan. Pero 'pag tamaan ka naman talaga ng kamalasan, walang dumaan maski isa. "Manahimik ka lang muna dyan," aniya sakin. Dumoble ang kaba ko ng may dukutin siya sa bulsa ng pantalon niya. Cellphone lang pala.
"Hello?"
(Ay! Zooey baby, kumusta?)
"Ayos lang."
(Nako! Sister buhay ka pa ba? 'Buti hindi ka nahuli ng mga kampon ni Lolo Javier mo. Alam mo ba? Naku! Nagwala at halos lahat ng na--)
"Putragis, tumahimik ka nga muna!"
(Ay sorry naman, concerned lang.)
"Yong sinabi mo"
(alin don? Alam mo namang madaldal akong t---)