80

30.2K 678 258
                                    

ZOOEY

Nakokonsensiya ako sa mga nasabi ko kahapon kaya maaga akong lumabas para harapin si Lorenz.

"Wala ba sa kwarto nila?" balik-tanong ng mommy ni Engot. Umililing ako bilang sagot. "Nasaan pala yon? Hinahanap din sakin kanina ni Lark."

"Nah! Ganiha ra man to siya nigawas tawn." {Nah! Kanina pa yon lumabas.}

"Ho?" Sabay naming bulalas ng mommy ni Lorenz.

Ngumiti lang ang matandang Mary. "Hanapin mo sa labas. Nandiyan lang yun."

"Sige po." Nagpaalam ako sa kanila saka lumabas. Binaybay ko ang daan patungo sa likod-bahay at nang makalayo-layo na ay huminto ako. "Anong kailangan mo?"

"Hindi pa tayo tapos."

"Psx! Ano pa ba ang dapat kong malaman?"

"Wala. Gusto ko lang malaman ang plano mo."

"Wala."

"Anong wala?" Naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagkapit niya sa braso ko. "Kailangan mong umalis dahil darating si Papa anumang araw," madiin niyang sabi habang palingon-lingon sa paligid.

Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. "Alam naman siguro niyang a-asawa ako ng apo niya. H-Hindi naman siguro niya ako sasak--"

"Hindi niya alam," putol niya sa sasabihin ko pa. "Hindi niya alam dahil wala naman siyang pakialam."

"Pero alam ni Anton."

Umiling siya sakin. "Mali ang pagkakaintindi ni Anton. Ang alam niya girlfriend ka ni Lark at anak niyo si Zoorenz kaya ka pinakawalan dati."

"Impossible yan," saad ko. "Kung hindi si Anton, nandiyan naman si Kenneth. Impossibleng hindi pa alam ni Gustavo na a-asawa ako--"

"Hindi pa nga niya alam," nagpapaintinding saad niya. "Kung alam niya, matagal na niya sana akong kinompronta," aniyang nagsasalubong na ang kilay. "Madalang pa sa patak ng ulan kung magpakita si Papa. Hindi rin sila magkasundo ni Antonie kaya ang kanang-kamay niya ang humaharap samin. Matinik ang kanang-kamay na 'to dahil nakakalabas-pasok siya sa Linksys niyo."

Napatanga ako sa mukha ng Daddy ni Engot. 'Nasa loob ng Linksys ang kanang-kamay niya?' Naalala ko noong napasyal ako doon. 'Sino?'

"Siya yong pinuntahan namin sa Linksys--noong nagkaharap tayo," aniya. Katahimikan sandali at tanging hiyawan ng mga bata sa dagat ang maririnig. "At kahit alam ni papa na asawa mo si Lorenz, wala parin siyang pakialam."

Napakuyom ako ng kamao. Nakapasama mo talaga Gustavo. Wala na talaga akong kawala.

"Pag-isipan mo Zooey ang lahat ng sinabi ko. Tutulungan kitang makalabas ng bansa hanggang iluwal mo ang apo ko," saad niya na punong-puno ng emosyon ang mga mata nang sumulyap sa tiyan ko bago blanko ang mukhang nag-angat ng paningin sakin.

"Si Lorenz b-ba . . . kasama k-kong aalis?" atubili kong saad.

"Hindi," diretso niyang saad. "Aalis kang tahimik at walang makakaalam. Kapag malakas at kaya mo na ay maaari ka ng bumalik para harapin sila kung yan ang gusto mo."

Naghintay siya ng tugon ko pero wala akong makapang sasabihin kaya tahimik siyang lumisan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad sa kasalungat na daan habang gulong-gulo ang isip.

Pero parang hindi ko kayang umalis mag-isa at iwan si Lorenz ng walang paalam. Ang tanong, kung kaya ko rin bang magpaalam. Malaki ang punto ng Daddy niya. Kapag aalis ako, mabubuhay ang anak ko.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon