LORENZ
'Hasyenda Villamor.'
Madilim pa nang iniwan namin ang kotse ni Lark sa likod ng bahay nila Andrea at nilakad na ang patungong hasyenda. Malinaw ko ng nababasa ang nakasulat sa malaki at bagong pintura na gate. Natatanaw ko na rin mula rito ang maganda at malaking bahay na nasa pinakadulo pa ng hasyenda.
"Kapal ng mukha! Bawiin mo 'yong sinabi mo!"
"Shhhhh...." Saway ni Dexter sa medyo may kalakasang boses ni Andrea at namamanghang tiningnan ang loob ng hasyenda. "Pucha! Hindi ko alam na ganito kayaman si Zooey, partz!" Maliwanag na at nakikita na namin ang kagandahan ng lugar. May mga iilang tauhan ang nagpapalakad-lakad sa loob ng malawak na hasyenda. Halatang ni-renovate lahat dahil naamoy pa namin ang amoy ng pintura.
"Ayoko! 'Yang kaibigan mo ang patahimikin mo!" Pabulong na singhal ng kaibigan ni Zoo kay Dex at naniningkit ang matang tinuro ang pinsan ko. "Buset kang hayop ka! Kakalbuhin ako ni Nanay sa oras na makarating sa kanya 'yong hinabi mong storyang hayop ka!"
"Anong gusto mong sabihin ko sa mga nakaharang sa daanan natin kanina? Sa tingin mo, pararaanin nila tayo kung ang sinabi ko ay ang tunay na pakay natin dito? Puro kasi bunganga ang ginagamit mo," inis na ring paliwanag ni Lark.
"Kahit na! Sa dami ng pwede mong gawing storya bakit 'yon pa?! Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa mga taga-rito bukas?" Problemado ang hitsura na bulalas ni Andrea.
"Anong masama sa sinabi ko?" Inosenteng tanong ni Lark. Pareho silang maingay. Natawa naman si Dex sa tabi ko. Kanina pa nagbabangayan 'tong dalawa pagkaraan namin sa mga nakaharang na tauhan ng hasyenda. Pinagtatalonan nila ang sinabi ni Lark na itatanan siya ni Andrea. Siraulo rin tong pinsan ko.
"Tanga ka! Anong maganda sa sinabi mong itinanan kita kaya kailangan nating makaraan kasi hinahabol tayo ng pamilya mo?! Hayop ka!" Inis na turan nito at biglang nagpapapadyak sa lupa sabay ginulo ang buhok. "Aaaah! Nakilala pa naman ako ng mga 'yon. Hindi mo alam kung gaano ka tsismosa ang mga tao rito. Lagot ako kay Nanay nito."
"Problema mo na 'yon," ani Lark. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil sa naisip niyang paraan kanina para makadaan kami. Kahit hindi parin niya ako kinikibo pero dahil sa ginawa niya kanina masasabi kong magkakaayos din kami.
Sa ngayon ay si Zooey ang inaalala ko. I don't know what to do if something bad happened to her. I know she's tough but still she's a woman. Anong magagawa ng isang babae laban sa napakaraming tauhan ng Lolo niya. Hindi ko nagugustuhan ang hindi magandang pangyayari na pumapasok sa isip ko dahil sa mga sinabi ni Andrea kanina.
"Which way?" Biglang tanong ni Xandrick. Pareho naming nilingon ang dalawang magkatabing nagbabangayan dahil sila naman ang may alam ng ligtas na daan sa loob ng hasyenda. Nakarating na ako rito pero hindi ko naman alam ang safe na daan dahil pagmulat pa lang ng mata ko ay nasa loob na ako ng isang silid n'ong nadukot ako.
"Saan ba talaga?!" Inis ng tanong ni Dex sa dalawa dahil pareho silang nasa magkaibang daan nakaturo ang kamay. Nakaturo si Andrea sa isang magubat na daan. Si Lark ay sa mismong gate nakaturo.
"Dito nga!" Inis na sagot ni Andrea.
"Huwag kayong maniwala sa babaeng 'yan dahil kasama ako ni Zooey n'ong niligtas namin si Lorenz," ani Lark at nauna ng maglakad papunta sa gate.
"Hoy tanga! Diyan tayo dumaan n'on dahil madilim naman 'yon. Nakikita mo ba yang mga kubo sa loob ng hasyenda? Maraming tauhan ang nandiyan sa loob niyan. Sa oras na pumasok ka diyan at makita nila, sila na mismo ang magdadala sa inyo kay Don Javier at natitiyak kung pareho tayong malalagot," mahabang sabi ni Andrea at nauna na ring tinahak ang masukal na kagubatan. Sumunod naman kami sa kagubatan.