ZOOEY
Katatapos ko lang MANINGIL sa mga taong nagkakautang sakin. Kakauwi ko lang galing linksys. Dumaan muna ko sa isang fastfood para kumain. Kinuha ko 'yong cellphone sa bulsa at sinagot yong tawag ng isang kaibigan. "Hello?"
(Hello Zooey! Asan ka?)
"Bakit?"
(Nasa bahay ka ba? Umalis kana diyan dahil alam na ni Don Javier at Enrico kung nasan ka! Narinig ko kanina na may nakapagsumbong na nakakita sayo diyan sa apartment mo! Papunta na yong mga tauhan ni Don Javier pati yong tauhan ni tabachoy na enrico na yon para kunin ka.)
"Nalintekan na!" Napatayo na ako.
(Talaga! Kanina pa yon sila nakaalis at baka nandon na yon sa apartment mo kaya bilis-bilisan mo. Mga nakamotor yon sila.)
"Sige, sige salamat."
(Magiingat ka b--)
Hindi ko na siya pinatapos at ibinaba na ang linya. Dali dali akong lumabas ng mall at sumakay ng tricycle papunta sa inuupahan kong bahay. Bumaba na ko malayo pa lang at kita ko na ang maraming nakamotor at panghaharass nila sa landlady ko. Napakarami nila.
"AYON SIYA!" Sigaw nong isang tauhan na nakakita sakin. Tumakbo na ako at hinabol naman ako ng mga nakamotor. Pumasok ako sa kahit saang eskinita para mailigaw sila. Rinig na rinig pa rin ang mga motor nila habang paikot ikot ako. Hindi nila ako pwedeng mahuli dahil ayoko maipakasal sa tabachoy na yon. Takbo parin ako ng takbo.
'Wala kang takas sa kanila kundi ang magpatali sa iba. Kung ayaw mo talagang magpatali don sa tabachoy na yon. Magpakasal ka sa iba para kahit pilitin ka na ipakasal sa tabachoy na yon ay wala ng bisa yon kasi kasal ka na sa iba! Sabihin mo lang, may tyuhin akong pastor, pwede kang ikasal don.'
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang sinabi ni andrea sakin noon. Lumabas ako sa isang eskineta.
"DITO!" Sigaw nong nakasalubong kong isa. Tumakbo ako papasok sa isang maliit na lagusan at nagpaikot ikot pa. Wala na akong takas.
Nakasunod parin sila hanggang sa may nakita akong tambakan ng basura at doon ako nagtago. Nong malayo layo na ang ingay ng mga motor ay lumabas ako at naglakad sa ibang direksyon. Napunta ako sa isang kalsada. Bigla ko na namang naalala ang sinabi ni andrea. "Bahala na."
Habang palabas at palingon-lingon sa paligid ay may nakita akong lalaki na naglalakad at parang bugnot na nagsasalita mag-isa. Nang makalampas na ang mga motor sa kanya ay lumapit ako at hinawakan siya sa braso at kinaladkad.
Napakaingay pa ng lalaking to! Tinawagan ko si Andrea para itanong ang address ng tyuhin niya pero nasa bakasyon daw kaya wala akong pagpipilian kundi kaladkarin papuntang simbahan ang lalaking 'to. Naikasal naman kami pero andami pa niyang sinasabi. Kung 'di ko pa tinutukan ng baril dahil naririndi na 'ko sa ingay niya, saka lang siya sumunod at tumahimik.
Pagkatapos naming ikasal ay basta ko nalang siya iniwan. Nakarating ako sa isang simpleng hotel at doon kumuha ng kwartong pang-isahan para mura lang. Nakatulog agad ako pagkalapat pa lang ng likod ko sa hindi kalambutan na kama. Nagising lang ako ng may tumawag.