84

20.3K 486 55
                                    

ZOOEY

*tug*dug!* *tug*dug!* *tug*dug!*

May nakatutok sa tiyan ko na kutsilyo. Wala akong magawa dahil nakatali ang buong katawan ko sa upuan. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung paano ako napunta sa lugar na ito.

"H-Huwag po."

Ngayon lang ako nakaramdan ng ganitong klase ng takot at parang gusto ko ng panawan ng ulirat. Nginisihan niya ako at sabay itinaas ang punyal na kumislap pa sa liwanag ng ilaw. Mariin akong napapikit at sumigaw.

"Hah!" Napabalikwas ako ng bangon habang naghahabol ng hininga. "P-Putr*gis! Panaginip lang p-pala." Inilibot ko ang paningin ko. Nasa loob ako ng isang simpleng silid. "Ahhhh!" Ang bigat ng ulo ko at nanunuyo pa ang lalamunan ko. Nagpasya akong tumayo at lumabas para hanapin ang kusina.

"Bullish*t! How am I supposed to know? Shut up! No--you, shut up!"

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses na yon hanggang sa dinala ako sa isang pinto na patungo sa labas.

"Huh? Then how about my son?! What?! Nandiyan ka na! All you have to do is to keep two nostrums, if possible pay it . . . I'll double the prize! A deal is a deal, you can have her . . . I know! Just in case, I want you to keep two nostrums for the both of them . . . yeah . . . I don't know . . . she's still asleep. Just in case, okay? Just in case 'hindi tumalab', two nostrums . . . okay . . . we'll see when she wakes up . . . okay, bye." Gulat si Laurence Fuentebella pagbaling niya at makita ako. Binigyan ko naman siya ng blankong tingin. "G-Gising ka na pala."

"Sino yong kausap mo?"

At mukhang mas lalo pa siyang nagulat sa tanong ko. "K-Kilala mo pa ako?"

Kinunotan ko siya ng noo. "Psx!" Natural! Mukha ba akong may amnesia?! Napasapo ako sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko na para bang nasobrahan ako sa tulog. Nakatitig sakin ang daddy ni Engot. "Ano?!" irita kong tanong.

"N-Nothing," aniya na umiwas ng tingin sakin.

"Nasaan na tayo?" Ang huling naalala ko ay nasa loob kami ng van.

"Nandito pa tayo sa Pinas. Pumasok ka muna, hahatiran nalang kita ng pagkain sa kwarto mo," aniya.

Tumango lang ako at bumalik sa pinaggalingan kong silid. Sa banyo ako tumuloy lalo na nang maramdaman ko na parang hinalukay ang tiyan ko.

Lumabas ako ng banyo na hilong hilo at tagaktak ang pawis. Wala parin si Laurence Fuentebella. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. "Psx! P*ste!" Nahihilo ako, nauuhaw, at parang binugbog ang buong katawan ko ng sampung wrestler.

Lumabas ulit ako para uminom ng tubig. Nakita kong may kausap na naman sa telepono ang daddy ni Engot.

"I told you, she do remember me . . . what?! You haven't told me that . . . she looks battered but still had her memory on .. . what's going on Jay? That nostrums isn't effective."

Tumigil ako sa paglakad at sa kabila ng pagkahilong nararamdaman ay nagawa kong maglakad ng tuwid para ikubli ang sarili. "Kaya nga! Hindi umepekto ang gamot sa kanya," pabulong nitong sigaw.

Napasapo ako sa ulo ko at napasandal sa pader habang patuloy kong naririnig ang pag-uusap nila. Parang dahil sa mga narinig ay mas lalong sumakit ang tuktok ko. "Bahala ka na . . . I want another nostrum for my son . . . "

Nagmamadaling bumalik ako sa silid. Jay pala, ah? Sapat na ang mga narinig ko mula sa kanila. Nahulog ako sa bitag nila. Hindi dapat ako nagtiwala.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon