ZOOEY
Paglabas ko pa lang ng building ay natanaw ko na agad ang dalawang tauhan ni Lolo Javier na nakatambay na naman sa labas. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad at di sila binigyan ng tingin. Nagtaka naman ako ng mapansing di sila sumusunod sakin palabas. Nanatili lang sila sa pwesto nila.
Hindi ko nalang pinansin at sumakay na ng taxi. Sinulyapan ko pa sila sa rearview mirror at nakita ko na parang wala nga silang balak na sundan ako kaya sinabi ko na sa driver ang pupuntahan ko.
"What's up Zj!" bati ni Andrew sakin.
"Zj, napadalaw ka yata?" bati naman ng kasama niyang si Kenneth.
"Okay lang. Nasan si sir Philip?" tanong ko sa kanila.
"Nasa loob ng office niya. Nabalitaan namin ang tungkol sa toxic. Ang bilis mo talagang magtrabaho," sabi naman ni Jairus na kalalabas lang ng training room.
Tinanguan ko lang siya at dumiretso na ng lakad sa pinakadulong kwarto. Nandito pala ako sa linksys headquarters ngayon. Yong mga bumati sakin kanina ay mga kasamahan ko dito. Mga ka batch ko dito sa linksys. Pagdating ko sa pinakadulong pinto ay kumatok muna ako. "Pasok." narinig kong sigaw mula sa loob.
Pagpasok ay nakita ko si sir Philip na abala sa pagbabasa sa harap ng computer niya. "Sir." Tawag ko ng pansin niya. Tumingala siya at tumingin sakin. Nagsalubong agad yong kilay niya pagkakita sakin.
"Bakit ngayon ka lang nagreport dito? Hindi ka man lang dumaan dito pagkatapos mong bugbugin ang walong myembro ng toxic. Hindi mo man lang sinabi samin na nahuli mo na sila. Kung hindi pa may nakakita sa kanila sa lumang building na yon ay di namin malalaman at ng mga pulis," mahabang litanya ng head ng Linksys na si sir Philip.
"Pasensya na sir," saad ko na labas sa ilong. Balewala ang mahabang pangaral ng boss.
Bumuntong hininga siya. "Hindi mo ba kasama si Wayne?" Ibinalik na ang pansin sa binabasa sa computer.
"Hindi."
"Sige, mauna ka na sa meeting room, may pag-uusapan tayo," aniya na hindi man lang ako tiningnan.
Trabaho na naman siguro to. Naglakad na ko papasok sa isang kwarto na andito lang din sa loob ng office niya. Hinintay ang mga kasamahan ko sa meeting na to. Sila yong mga lalaki kanina na bumati sakin. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok sina Andrew, Kenneth, at Jairus. Ngumiti sila sakin bago umupo.
"Si sir Philip?"
"Nasa labas kausap si Wayne sa telepono," ani kenneth.
"Mabuti naman at nandito ka dahil may mahalagang pag-uusapan daw tungkol doon sa sindikatong nangunguha ng mga sanggol at ibinibenta," ani Andrew habang tinitingnan ang hawak na folder.
"Tinext ako ni Wayne kagabi. Siya ang nagsabi sakin na pumunta dito ngayon."
Mayamaya pa ay pumasok na si sir Philip na dumiretso sa harap. Kasunod nito si Wayne na ngumiti sakin at naupo na rin sa katabing upuan. Si sir Philip naman ay nagsimula ng magsalita sa harap ng mga detalye tungkol don sa sindikatong yon.