14 - Meeting Lola Moni

55K 720 18
                                    

LORENZ

Nagising ako kinabukasan ng maaga kahit late na akong natulog. Pagtinginin ko sa tabi ko ay walang Zoo na nakahiga. Sabi niya kasi ay dito raw siya uuwi kaya hinintay ko, pero ni anino niya ay hindi umuwi kagabi. Ngayon pala kami lilipat sa bahay. Pupuntahan ko nalang mamaya.

Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako ng kwarto. Napadaan ako sa sala bago naglakad papunta sa kusina pero napabalik ako ng lakad at napatingin sa sofa na nanlalaki ang mga mata. 'May b-baby sa sofa!'

"Bakit may baby dito?" Naglakad pa ako papalapit at bata nga! Nakita ko si Zoo na nasa baba, nakasandal sa sofa habang natutulog. "Hoy Zoo, gising!" Niyugyog ko lang siya ng ilang beses at nagising agad . Mabilis siyang magising eh, kabaliktaran ko.

"Ano na naman?!" Kagigising lang niya niyan pero galit na agad.

"Ano yan?" Tinuro ko ang bata na kasalukuyan paring tulog.

"Ganon ka ba talaga ka bobo? Malamang bata!"

"Oo, alam kong bata yan. What I mean is, bakit may bata dito? Kaninong bata yan?!" inis kong niyugyog na naman siya. "Zoo, gumising ka nga! Mag aalas nuwebe na, lilipat na tayo ngayon."

"Oo mamaya na, inaantok pa ako." 

"Ano ka ba! Bumangon kana nga diyan at maligo don." 

"Hmmm..."

"Zoo! Hoy!" Tinapik ko siya ng malakas sa braso.

"Putragis ka! Mamaya na nga eh!"

"Magagalit na si Lola Moni kapag wala tayo don before lunch. Hoy!" Kahit nakapikit siya ay pilit ko talaga siyang ginising.

"Peste! Upakan kita dyan eh!" Tumayo na siya at naglakad papuntang kwarto. "Maliligo na ko, dapat magluto ka na rin."

"Hoy sandali! Kaninong baby ba to? Pano to kapag nagising?" 

"Ewan ko. Ano bang malay ko sa bata."

"Anong 'ewan mo'?"

"Ewan ko kung kaninong bata yan. Sa tingin mo ba ay andito yan pag alam ko kung sinong mga magulang niyan? Dito muna yan." 

"Ano?! Sinong mag-aalaga niyan dito?"

"Ikaw!" 

"Anong ako?!" 

"Alangan namang ako. Ano bang malay ko sa mga bata!" Inis niyang sabi at kinamot pa ang ulo. 

"Ikaw ang nagdala nyan dito tapos ako ang pag-aalagain mo? Ano ako charity?!"

"Tutulungan kita sa pamilya mo di ba? Kaya dapat tulungan mo rin akong alagaan ang batang yan."

Jeez! I know nothing about babies. "Bakit kasi dinala mo pa yan dito?!"

"Kung hindi lang ba kasalanan ang iwan yan sa kalsada ay iniwan ko na yan," bugnot niyang sabi. Natahimik ako at napatingin sa bata. Hindi ko kayang isipin na ang isang inosenteng tulad nito ay iiwan sa kalsada. Kawawa nga siya pero ano bang malay ko sa mga bata.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon