82

23.4K 550 81
                                    

ZOOEY

"Sumama ka na."

"Uban na ta, inday." {Sumama ka na samin, iha.} Tumabi sakin ang matandang Mary at umupo sa kama. "Wala ikaw kasama dinhi. Tara na sa mall."

"Zooey?" tonong nanunuyo na saad ng mommy ni Engot.

Gumapang si Zoorenz patungo sakin at humahawak sa kama para makatayo. Hinawakan ng bata ang isang daliri ko sa kamay. "Mama . . . mama n-nana. Mama, u-u!"

"Ginoo ko, puryabuyag!" {Diyos ko, pwera usog!} tuwang saad ng matandang Mary.

"Hehehehe. See? Even your baby wants you to come, right baby?"

"U-u!"

"Uh-uh! I smell something," anang mommy ni Engot. Naaamoy ko rin ang nakakasukang amoy na galing sa pwet ni Zoorenz. "Bastos!"

Naiwan ako at ang dalawang matanda sa kwarto. "K-Kayo nalang 'ho' dahil wala naman akong gagawin doon," saad ko.

Matagal na nagkatinginan ang dalawang matanda na para bang nag-uusap sila sa tingin bago lumabas.

Pinipilit nila akong sumama sa kanila sa mall gayong ayoko dahil magpapakapagod lang ako. Ayoko sa mall!

'Psx!'

Nakalabas na ang dalawang matanda nang bumukas na naman ang pinto. "Let's go," anitong nakadungaw lang ang ulo.

Marahan akong tumango at binitbit ang maliit na bag na nakatago sa ilalim ng kama. Konti lang ang naitulog ko dahil mag-uumaga na nang bumalik kami ni Engot sa bahay. Napatigil ako nang sumagi sa isipan ko ang nangyari samin kanina.

'Paano ko nga ba nagawa 'yon?'

Pababa na ng hagdan ang daddy niya nang masulyapan ko ang pinto ng silid nila. Natukso akong buksan at silipin siya sa loob.

'Wala? Nasaan pala ang mga tao rito?' Tama nga ang sinabi ng daddy niya na lahat ay sobrang abala ngayong araw na 'to.

Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko ang daddy niya na may kausap sa telepono. Pagkakita sakin ay agad itong lumabas ng sala. Hindi na ako nagpaalam at lumabas din ng bahay.

Gusto ko munang makita si Engot bago umalis ng tuluyan. Naglakad ako ng walang patutunguhan dahil hindi ko naman alam kung nasaan siya.

"Merry Christmas!"

Bawat masalubong ko sa resort ay binabati ako. Mamayang gabi pa naman ang pasko pero kung makabati sila--akala mo, huling pasko ko na. Peste! Nang-iinsulto ba sila?

"Merry Christmas, Zooey baby!" Patuloy parin ako sa paglalakad at hindi siya pinapansin. "Saan ka pupunta?" Humaharang siya sa harapan ko.

"Psx! Pwede ba Andrea, wala akong panahong makipagbiruan sayo!"

"Ang sungit," aniyang ngumuso pa. Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad at nakasunod na naman siya. "Saan ka nga pupunta?"

"Hinahanap ko nga si Engot!"

"Kailangang sumigaw, Zooey? Hindi ako bingi!" nanlaki ang mata niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at bigla naman siyang ngumiti na nagkibit-balikat. "H-Hindi ko napansin, eh."

Hindi pa man siya tapos magsalita ay nilayasan ko na. 'Abnormal talaga!'

"Hoy! Saan ka na naman pupunta?"

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon