ZOOEY's povNagising ako dahil kanina pa nag-iingay ang cellphone ko. Mag-aalas nuwebe na ng umaga. "Mmmm?" Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.
(Hello zooey. Kumusta na?) Alalang-alala ang boses ng babae sa kabilang linya.
"May nangyari ba?"
(Ang lolo mo galit na galit!)
"Walang ng bago don."
(Pero iba na ngayon. Pumunta kana kaya dito total kasal kana kaya dika na niya mapipilit na magpakasal don sa Enrico na yon.)
Meron talaga siyang hindi sinasabi sakin. "Wag muna ngayon. Sa susunod na."
(Nako! Sige ka, mauubos na lahat ng damit mo dito kasusunog ng lolo mo. Letse! Sayang yong mga damit mo, eh.)
"Ano?!"
(Sinimulan na nga niyang sunugin ang mga gamit mo kahapon. Ewan ko kung ano yong mga sinunog niya kahapon. Pero ngayon yong damit mo naman ang sisimulan niya.)
Naalala ko ang kabayo ko. "Andrea si Jersey?"
(Hala Zooey binenta na niya yata kahapon.)
"Bakit?! Akin yon eh!"
(Kaya nga umuwi kana dito bestfriend. Isalba mo yong mga damit mo at ibigay mo nalang sakin kung ayaw mo na don)
"Sige sige pupunta ako diyan mamaya, may lakad pa kasi ako. Bye!" Pinutol ko na ang linya. Napatingin ako sa katabi kong natutulog. "Grabe! 'di man lang nagising."
Nakaramdam ako ng gutom kaya naghalungkat ako sa kusina. Ang daming laman ng refrigerator. Itlog lang ang nakita kong mabilis lutuin. Binuksan ko na yong stove at isinalang ang kawali. Basta ko nalang binasag yong itlog at nilagay sa kawali. Pagtingin ko, iba na yong kulay at bakit parang dikit na dikit yong itlog sa kawali. "Bahala na nga!"
Tinikman ko yong itlog na niluto ko. 'Ba't walang lasa?' Ipinalaman ko sa tinapay yong itlog na ewan kung ano na yong itsura. Inubos ko nalang at uminom ng tubig. Napahinto pa ako ng maamoy ko 'yong sarili ko. "Putrag*s! Ang baho!"
Hindi pala ako nagbihis kagabi galing sa bar. Mabilis akong pumasok muli sa kwarto at diretso sa banyo. Pati loob ng banyo kompleto sa gamit. Iba rin ang lalaking yon.
Itinapat ko ang sarili sa shower, ginamit ko yong sabon at shampoo ni Lorenz. Palabas na sana ako ng makita ko yong sipilyo niya. Amoy beer ang hininga ko. Ginamit ko yong sipilyo niya. Tinamad akong maghanap ng bago kaya yon nalang ang gagamitin ko tutal ngayon lang naman.
Sunod ay naghalungkat na naman ako sa malaking cabinet na punong puno ng damit. May mga bagong boxer shorts naman, t-shirt at basketball short. 'Okay na siguro to.'