LORENZ
"Oh?" Agad rumehistro ang tuwa sa mukha ni Timmy pagkakita sakin at niyakap ako. "You're here. I want pineapple, Enz."
Marahan ko siyang inilayo sakin pero nagsusumiksik parin siya. Nakaramdam ako ng inis. "Timmy," nagtitimping saway ko sa kanya.
Saka lang siya lumayo pero nakangiti paring tumingin sakin. Kinuha niya ang kamay ko at inihaplos niya sa maumbok niyang tiyan. "Baby Monz wants pineapple for breakfast, Enz." Malambing ang tono ng boses na saad niya.
"C-Can you do me a favor?" Seryosong sabi ko sa kanya. "Pwede mo bang kausapin si Zooey?" Pakiusap ko at kita ko naman ang pagbabago ng mood niya na tinalikuran ako. "P-Please, sabihin mo sa kanya ang lahat, Timmy. Tulungan mo 'kong mapatawad niya at ipaintindi sa kanya ang totoo--na walang namamagitan satin."
"Why?" Bakas ang pagkadismaya sa mga mata niya na tumungo. "My parents are here, Lorenz. You know the cost when they found out the truth."
"Mahal ko siya Timmy--mahal na mahal. I can afford losing anything but not h-her," pagpapaintindi ko rin sa kanya. Bumuntong-hiningang hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inaharap sakin. "This time, ako naman ang nagmamakaawa sayo Timmy."
Narinig ko nalang ang paghikbi niya na tinakpan ang mukha. Nagsimula na naman siyang umiyak. "W-Wala na akong magagawa sa nararamdaman mo, Timmy. If you're hurt then I can do nothing about it. I l-love Zooey so much," dagdag na saad ko bago lumabas ng pinto.
Wala na akong ibang maisip na paraan para mapatawad ni Zoo. Sa bawat araw na lumilipas na hindi kami nagkakaayos ay mas lalo akong nahihirapan, mas lalong lumala dahil pakiramdam ko lumalayo na siya sakin. Walang nagawa ang pangungulit ko sa kanya. Ilang beses ko na siyang kinausap pero matigas talaga siya.
* * *
"Pakipuntahan si Zooey sa silid niya, Amy," utos ni Daddy.
Nakauwi na ako mula sa pagpunta kay Timmy ay hindi parin pala si Zoo lumalabas ng silid. Kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian. Nanlulumong sinusulyapan ko ang upuan sa tabi ko. Nakakawala ng gana. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
"Lorenz!" Napaayos ako ng upo dahil sa paninita ni Lola. Nakatingin na silang lahat sakin. "You're letting out a loud sigh in front of the food. What kind of manners is that?!" Striktang sita niya sakin at napapahiyang nagyukod ako ng ulo. "Nasaan na, Amy?"
"Ayaw ho bumaba, madame."
Nagsalubong ang kilay ni Lola na tumayo at aktong lalabas ng dining. Hindi niya nagustuhan ang narinig. Pagtingin ko kay Mommy ay may ipinapahiwatag ang tingin niya sakin. "Ako na Lola," presenta ko at inunahan si Lola sa paglakad.
Pagdating ko sa harap ng silid ni Zoo ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Nag-aalala na rin ako dahil simula kaninang umaga pa siya hindi lumalabas ng silid niya. "Mahal." Kinatok ko ulit ang pinto. Walang sumagot. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko lalo na at nakalocked pa ang pinto. "Zooey."
Hindi na ako nagdalawang-isip na tinungo ang silid nila Mommy para kunin ang spare key. Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko at kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Bahagyang nanginig ang kamay ko pagpihit ng seradura at tuluyang mabuksan ang pinto.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita siyang maayos. "Mahal," masuyong tawag ko sa kanya. "H-Hindi ka pa kumakain simula kanina. Ayaw mo b-bang bumaba?" Parang bingi na hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil mukhang malalim din ang iniisip niya. "Hahatiran nalang kita ng pagkain."