LORENZ
Kinabukasan ay wala pa rin pinagbago sa school. Nakikita ko na sila Timmy at Jerome na magkasama na. 'Di na nila tinatago ang relasyon nila. Ganon pa rin si Timmy sweet at maasikaso. Iniiwasan ko nalang na makasalubong isa man sa kanila para hindi na ko masyadong masaktan. Nasa iisang school kaming apat na magkakaibigan pero madalang lang magkita dahil pareho na kaming graduating sa magkakaibang kurso.
Naglalakad na ko papauwi dahil pang umaga lang mga subjects ko ngayon. Habang naglalakad palabas ng school ay makakasalubong ko naman si Timmy mag-isa. Huminto siya nang makita ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Masakit parin ang ginawa niya. Nilampasan ko lang siya.
"Enz," tawag niya sakin. Huminto ako kaya ngayon magkatalikod na kami. 'Enz' tawag niya sakin at Timz naman tawag ko sa kanya.
"Enz, I'm sorry. I hope you understand," mahina niyang sabi sakin.
Mapait akong napangiti. Mahirap intindihan lalo na kung biglaan. "I can't Timmy."
"I want to explain my side. Please let's talk."
Bumuntong hininga ako. Ang sakit lang. Ganito pala pakiramdam ng isang brokenhearted. "Not now. Some other time maybe." Nagsimula na kong maglakad. Hindi ako nagtangkang humarap sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na di ko pa siya kayang tanggihan. Sasaktan ko lang ang sarili ko at pagnagkataon pati ang pride ko dahil baka magmakaawa ako sa kanya na balikan ako.
"Please Enz. Please," parang naiiyak pang sabi niya. Hinabol ako. I sighed. Napansin ko na may mangilan-ngilan na nakatingin samin na mga estudyante.
"Follow me."
Naramdaman ko namang sumunod siya sakin kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pinagbuksan ko parin siya ng pinto. "Saan mo gusto?"
"Sa dati," aniya. Nagdrive na ko papunta sa sinasabi niya. Ipinark ang sasakyan sa gilid na munchies trio. Isa itong coffeeshop, sa second floor ay internet cafe' at sa third floor ay bar para sa mga estudyante na open lang tuwing friday at saturday. Dito madalas tumatambay ang mga estudyante ng harper university.
Naupo kami sa may pinakadulong table at nag order lang ng coffee para saming dalawa. Walang masyado tao dahil lunch time na ngayon. Tuwing uwian lang napupuno itong munchies trio.
"I'm really sorry, Enz." pagsisimula niya. Tinignan ko lang siya at hinintay ang susunod pa niyang sasabihin pero nanatili siyang nakayuko kaya ako na ang nagtanong. Walang mangyayari kung yuyuko lang siya.
"Kailan pa naging kayo? Kailan niyo pa ko niloloko?"
"Last May two," nakayukong sabi nya. Napakuyom naman ako ng kamao. July four yon nung nakita ko ang video. Nong isang araw pa yon.
"Two months? Kaya pala," mapakla kong turan. "May napapansin na ko Tim pero dahil mahal kita ay malaki ang tiwala ko sayo. Hindi ko nga pinapaniwalaan ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko dahil mas pinili kong paniwalaan ang mga actions mo. Pero tama pala sila at parang wala kang balak sabihin sakin," sabi ko na nasa labas ang paningin.
"I'm sorry, Enz. Naghahanap pa naman ako ng tamang oras para sabihin s-sayo," sumisinghot na siya.