ZOOEY
"Hindi nga, Zooey? Paano ngayon yan?"
"Hindi ko alam, Andrea."
Sinabi ko na kay Andrea ang lahat tungkol sa pamilya lang ni Lorenz at ang koneksiyon ko sa kanila.
"Ang hirap naman ng sitwasyon mo. Tapos . . . t-tapos . . . " aniyang hindi matuloy-tuloy ang sasabihin. "Buntis ka pa at syempre pinsang buo ka--"
Nagpakawala ako ng mahabang paghinga sa huli niyang sinabi. Pareho kaming napatakbo dahil sa gulat nang may kumalabog sa sala.
Humahangos na tumakbo patungo sakin si Engot at kinabig ako payakap. "God . . . I thought you're gone a-again." Dama ko ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Nasa likod ang mga kaibigan niya na pupungas-pungas na bumaba ng hagdan na halatang bagong gising din.
"Ayan lang pala, o!" pagmamaktol ni Dexter na pipikit-pikit pa na bumalik sa taas. Si Xandrick ay iiling-iling na tinalikuran kami.
"Bumalik ka na sa taas, nandito lang ako." Marahan kong tinulak si Engot pero ayaw niyang humiwalay sakin.
"Makapagkape na nga lang," ani Lark na inis na kinamot ang ulo habang papasok ng kusina.
"Ano ba!"
"Umalis ka kasi diyan sa pinto--nakaharang ka, eh!"
"Payat!" Padabog na umakyat si Andrea ng hagdan at rinig din ang pagdadabog ni Lark sa kusina.
"Akala ko iniwan mo na naman ako."
Sa silid nila ako natulog. Maaga akong bumaba para kausapin si Andrea. Hanggang sa lumiwanag na ay saka lang natapos ang pag-uusap namin.
"O, mabuti at bumaba na kayo. Nasaan na mga kasama niyo? Agahan niyo, tanghalian na namin," anang matandang Mary na galing sa pamamalengke.
Napaigtid ako nang maramdaman ang mukha ni Engot na isiniksik sa leeg ko. "Kumain ka na, mahal?"
"Engot, ano ba--psx!" saway ko sa kanya. Lalo na ng hinimas niya ang tiyan ko. Napangiwi ako sa nanunuksong tingin sakin ng Lola Mary nila bago tumuloy sa kusina.
"Baby ko."
***
Pagkatapos kumain ay nasa loob na naman kami ng kwarto nila.
"Hoy!"
Itinaas niya ang dalawang kilay sakin. Sinimangutan ko naman siya. Mula kahapon pa niya hindi binibitiwan ang kamay ko at magpahanggang ngayon ay hawak-hawak parin niya.
"Hoy!" saway ko sa pangalawang pagkakataon. Itinaas na naman niya ang kilay niya sakin. "Ang kamay ko!"
"Bakit?"
L*tse! Alangan naman hindi na ako pwedeng magsolo sa banyo nito. "Nasusuka ako."
Siya na mismo ang kumaladkad sakin patungo sa banyo. "Bakit hindi mo sinabi?"
Lumabas ulit siya at pagbalik ay may dala ng kung anu-ano. Hindi naman talaga ako nasusuka pero dahil sa mabahong ipinahid niya sa tiyan at sintido ko ay nasuka ako.
"Do you want me to bring you to the hospital?" Hindi na siya mapakali sa kakaalalay at kakapunas sa noo ko. "M-Mahal . . . ?"
Ilang minuto rin akong nanatili sa loob ng banyo habang siya hindi mapakali sa kakaparoon at parito.
"Anong nangyari sayo?"
"A-Ayos na ba'ng pakiramdam mo?" Lumapit siya sakin pagkalabas ko ng banyo. Nanginginig pa ang kamay niya nang humawak sakin.