LORENZ
Patingin-tingin ako sa oras habang nagmamaneho pauwi. "Bullsh*t!" Naiinis ako dahil sa tagal kong nakauwi. Inaalala ko si Zoo sa bahay. Sinabi kong hindi ako magtatagal pero inabot parin ako ng walong oras sa labas. Binuksan ng bodyguard ni Zoorenz ang gate kaya nakapasok ako kahit dis-oras na ng gabi.
"Good evening sir."
Sinulyapan ko sila saka tinanguan bago pumasok sa loob ng bahay. Umakyat ako patungo sa silid ko. Pagbukas ko ng pinto ay wala si Zoo sa kama. Hinanap siya ng mga mata ko sa kabuuan ng silid. Tumalikod ako para lumabas.
"Hoy--psx! Hindi kasi tumitingin, eh!"
Gumulong sa sahig ang iilang bilog na bagay. Hindi ko matukoy kung ano dahil madilim dito sa silid ko. Pinigilan ko si Zoo sa akmang pagpulot niya sa mga ito at niyakap siya. "Bakit gising ka pa?"
"Sandali nga!" Singhal niyang bahagya akong tinulak at lumuhod na kinapakapa sa sahig ang mga bilog na gumulong kanina. "Nasaan na yon?"
"Ano ba yon, Mahal?"
"Psx!" Patuloy parin siyang naghahanap sa sahig. Binuksan ko ang ilaw at parang ngayon lang din niya ito naisip. Mga kiatkiat pala ang mga yon. Pinulot ko ang isa sa paanan ko. "Akin yan!" Hinablot niya ito sa kamay ko na para bang aagawin ko.
"Damot," usal ko. Sinamaan niya ko ng tingin kaya nginitian ko siya. "Kiss nalang sakin, Mahal." Dahil magkaharap lang naman kami ay sinubukan kong ibaba ang mukha ko sa kanya at kita kong wala siyang balak magprotesta.
Hinalikan ko siya. Natigilan ako ng may malasahang maalat sa labi niya kaya kusa akong lumayo. Napataas ang kilay ko sa kanya. "Anong kinain mo?"
"Tinapay."
"Bakit maalat?" Pagtataka ko. Wala namang maalat na tinapay, meron ba? At bakit parang lasang letchong manok? Sinamaan na naman niya ako ng tingin kaya mabilis kong inilagay sa bewang niya ang kamay ko at hinapit siya paalapit. "Hehehe, joke lang Mahal."
"Psx!" Masama ang tingin niya sakin.
"Mahal. . . " Paglalambing ko sa kanya pero masama parin ang tingin niya. "I love you . . . " masuyong usal ko at bahagya namang lumambot ang expression ng mukha niya. Hahalikan ko na naman sana siya nang sumalubong sa bibig ko ang mansanas na hawak niya at itinulak ako palayo.
"Bakit ngayon ka lang?"
"Ngayon lang kami natapos, eh. Tara, tulog na tayo?" Inakay ko siya para tuluyan ng makapasok sa kwarto saka sinarado ang pinto. Umupo siya sa kama habang dumiretso naman ako sa closet.
"Saan?"
Napatigil ako sa paghahanap ng damit na isusuot. "Sa Harper lang naman."
Hindi na siya nagsalita. Nagpakawala muna ako ng mahabang paghinga bago nagmadaling magpalit ng pantulog. Nakahiga na rin si Zoo habang nasa side table ang mga gumulong na kiatkiat kanina. Pinatay ko muna ang ilaw bago mahiga. Hindi ko napigilang mapangiti na nilingon ang babaeng nakatalikod ng higa sakin.
'After how many months, ngayon lang ulit kita makatabing matulog.'
Umisod ako papalapit sa kanya at niyakap siya sa bewang sabay siksik ng mukha ko sa buhok niya. "Zoo . . . may sasabihin ako sayo," lakas loob kong saad. Wala akong natanggap na sagot kaya sinilip ko siya. Nakapikit na. "Mahal?"