LORENZ
Maaga akong nagising. Hindi pala ako nakakain ng hapunan kagabi dahil hindi na ko nagising. Masiba talaga ako sa tulog. Nakita ko naman si Zooey na tulog parin na nakatalikod sakin. "Anong oras kaya to umuwi kagabi?"
Nandito lang ako sa sala at nanunuod ng tv. Ayokong magluto dahil tinamad ako. Lagi nalang ako ang nagluluto. Siya naman ang paglulutuin ko ngayon.
Nakita ko na lumabas na si Zooey ng kwarto at narinig ko ang mga yabag niya na papuntang kusina. "Lorenz! Walang pagkain?" sigaw niya galing kusina.
"Wala!" sigaw ko rin pabalik. Narinig ko na naglalakad na siya papunta sakin. Nasa likod ko na siya pero hindi ko parin siya nilingon.
"Magluto kana, nagugutom na ko dahil hindi ako nakakain kagabi."
"Mamaya na. Hindi pa naman ako gutom."
"Ano ba! Magluluto ka ba o--"
"Hindi!" Matigas kong sabi. Pumunta siya sa harapan ko pero hindi ko siya pinansin. "Umalis ka nga dyan. Nanunuod ako eh!"
Kinuha nya yong remote sa gilid at pinatay ang tv. Tinignan ko naman siya ng masama. "Mamaya kana manuod. Magluto ka muna, nagugutom na ko," aniya.
"Ikaw ang nagugutom kaya ikaw ang magluto." inis kong sabi at inagaw ang remote sa kanya at ini on ulit ang t.v.
"Hindi nga ako marunong magluto! Ikaw na!" Inagaw na naman niya ang remote sakin at pinatay ang tv ng nakatalikod dahil nakaharap siya sakin. Tumayo na rin ako at hinarap siya. Magkaharap na kami ngayon.
"Napakamautos mo naman!" sabi ko habang pilit kinukuha ang remote sa kamay niya.
"Napakareklamador mo rin naman!" inis niya ring sabi. Iniitsa pa ang remote sa malayo at basag!
"Napakamagutumin mo rin naman!" Inis ko ring sabi habang naglakad para kunin ang remote na tinapon niya. Anak ka ng---!
"Napakahirap mo rin namang gisingin! Magluto ka na nga don!" Pasinghal niyang sabi sakin.
"Bahala ka! Lagi nalang ako ang nagluluto. Kaw naman kaya!" Matigas ko pa ring sabi habang nakayuko at inaayos ang remote. "Tsk! Nasira tuloy!" Hindi na siya nagsalita kaya nilingon ko siya. Kita ko ang lalong pagkunot ng noo niya at pasaring na tingin sakin. Parang nais kong magbunyi. 'Nanalo ako.' ^o^.
"Sige! Ako ang magluluto at kakainin mo ang lulutuin ko. Maliwanag!"
"Sure," nakangiti ko pang sabi. Naglakad na siya papuntang kusina. Umupo naman ako ulit sa sofa at binuksan ang t.v. "Mabuti matibay tong remote. Gumana pa."
Mayamaya pa ay naririnig ko na ang tunog ng nagtatalsikang mantika. Nagpiprito na siguro. "Engot! Kakain na tayo!"
"Ako engot? Siya naman si Zooey the rarest animal from the Zoo. Hehehehe," pabulong kong sabi.
"Hoy engot! Tumayo ka na diyan at magtimpla ng kape!"
"Sandali lang Zoo!" sigaw ko rin habang nagpipigil na bumunghalit ng tawa. Nakaramdam na rin naman ako ng gutom kaya nagmamadali akong pumunta ng kusina. Malaki ang ngiti na pumasok ako ng kusina at nagtimpla ng kape. Umupo sa harap niya. Nagulat ako sa nakita kong pagkain sa mesa. "A-Ano to?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Pagkain, Engot!" sabi niya na nagsimula ng kumain. Tinignan ko yong pagkain na niluto niya. Yong hotdog at bacon sunog. Yong tocino naman hindi pa luto. May kanin nga, lugaw naman ang pagkakaluto. 'Ano ba yan!'