LORENZ
"Kumusta pag-aaral niyo?"
"Okay lang, Tito. Excited na 'ko sa bakasyon. I'm ready to go." Masayang saad ni Lark. Wala si Lola kaya maingay na naman siya. Tumingin sakin si Daddy kaya pilit akong ngumiti bago sinulyapan si Lark. Kinindatan ako ni Lark. "Ready na rin yan, Tito."
"Good," komento ni Daddy at lihim na sinulyapan si Zoo na tahimik na kumakain bago nagtatanong ang tingin sakin.
Hindi parin niya ako kinakausap. Ang lamig ng trato niya sakin. At sa tuwing nilalapitan ko siya ay para lang akong hangin sa paningin niya. Binigyan ko siya ng pagkakataong mag-isip at pagkatapos ng tatlong araw ay sinubukan ng kausapin pero wala paring pinagbago.
'I am missing her so badly. Yes, she's here but I can't feel her presence. She definitely became cold as ice and silent as a mute.'
Natapos kaming kumain na hindi nagsalita si Zoo. Nakayuko lang siya na akala mo mag-isa lang siya at buong atensiyon niya ay nasa pagkain.
"Anong gusto ng asawa mong pasalubong?" Nakangiting saad ni Daddy. "She's very quiet since I came home. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niya sakin, na hindi niya nagustuhan ang pagdating ko," dagdag sa saad ni Dad na may tipid na ngiti at may konting pagkadismaya sa mukha.
Hindi ko magawang sumagot dahil kasalanan ko naman talaga at ayokong madamay pa sila sa pag-iisip. Knowing my parents, they wouldn't let me handle things on my own as long as they know they can do something to help. Kakausapin at kakausapin nila si Zoo. Yon ang ayoko dahil baka mas magalit siya. I want to settle this problem on my own.
"Lorenz." Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at ipinaloob sa kamay niya. "Do you want me to talk to her?"
"No mom," maagap kong pigil. Mataman nila akong tinignan kaya pilit kong pinasasaya ang mukha ko kaya napipilitan din silang tumango.
"O-Okay," atubiling pagsang-ayon ni Mommy habang si Daddy ay tinapik ang balikat ko saka pinagbuksan si Mommy ng pinto ng sasakyan.
Hinatid ko lang ang sasakyan nila ng tanaw. "Isara niyong mabuti ang gate," utos ko sa dalawang bodyguard ni Zoorenz bago pumasok sa loob ng bahay.
Pag-akyat ko sa taas ay nakaabang si Lark sakin at nakaantabay sa harapan ng kwarto ko. Nakasimangot siyang tumingin sakin. "What happened to your face?" Nagulat ako sa nakitang pamumula ng pisngi niya na para bang sinampal ng ubod lakas.
Kung nandito lang si Lola Moni ay hindi na ako magtataka pero wala siya rito kaya nakakapagtaka. Mas lalo naman siyang sumimangot at nangingiwing hinaplos ang pisngi niya.
"Sinong sumampal sayo?"
"S-Sinampal?!" Iminuwestra pa niya ang namumulang pisngi. "Hindi ako sinampal dahil sinapak ako!" Napapangusong sumulyap siya sa kwarto ni Zoo at pinanlakihan ako ng mata. "Bro, sinapak ako--pucha! Nong una ay kinwelyuhan lang ako, ngayon sinapak na talaga!"
"Ha--ano?! Ano ba kasing ginawa mo?"
"W-Wala," aniya.
"Hindi niya gagawin sayo yan kung wala kang ginawa." Pabulong kong sigaw. "Lark?!"
"Tsk! Tinanong ko lang naman siya kung ayos lang ba siya--" Napatigil siya nang suminghal ako.
"Baka kinulit mo?" I asked sarcastically.